• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-18 19:05:49    
Nagsisikap ang mga taga-Sichuan para sa produksyon

CRI
Kasunod sa pagtamo ng progreso sa relief work, sa kasalukuyan, nagsisikap ang mga mamamayan ng Sichuan para sa produksyon at rekonstruksyon. Itinakda ang timetable ng pagpapanumbalik ng produksyon sa mga pagawaan at nagsisikap na hangga't maaari sa produksyong agrikultural.

Bago ang lindol, nasa ika-8 puwesto ang kabuhayan ng Lalawigang Sichuan, pero, napinsala ng malubha ito sa lindol. Nagsisikap, sa isang dako para sa relief work at sa kabilang dako naman para sa pagpapanumbalik ng produksyon. Ang produksyon ay priyoridad ng mga gawain sa kasalukuyan. Sinabi ni Liu Qibao, Kalihim ng Panlalawigang Komite ng Partido Komunista ng Tsina ng Lalawigang Sichuan na:

"dapat buong lakas na magpupunyagi at umasa sa sarili, itakwil ang kaisipan ng pag-asa lamang sa tulong at bigyan-diin ang matatag, matigas at mauunat na diwa para muling itatag ang aming magandang tahanan. "

Grabeng kapinsalaan pa rin sa industriya ng Sichuan. Ang punong lunsod Chengdu ay isang lunsod na may mahigit 10 milyong populasyon at ang GDP nito ay sangkatlo ng GDP ng buong lalawigan, kaya, ang rekonstrksyon sa Chengdu ay may malaking epekto sa Sichuan. Sianbi ni Li Chuncheng, Kalihim ng Panlunsod na Komite ng Partido Komunista ng Tsina ng Chengdu na:

"Hindi maliit ang epekto ng lindol sa pag-unlad na kabuhayan at lipunan ng Chengdu sa kasalukuyan at sa malapit na hinaharap at medyong mahirap ang rekonstruksyon. Sa ganitong kalagayan, maaaring mapanumbalik ang produksyon pagkaraan ng lindol sa lalong madaling panahon at agarang isaayos at itakda ang isang serye ng patakaran at hakbangin para mapasulong ang ibayo pang kasaganaan ng kabuhayan. Tiyak na mapapanumbalik ang pag-unlad ng kabuhayan at progreso ng lipunan sa Chengdu sa lalaong madaling panahon. "

May isang napakabuting impormasyon kamakailan, alalaong baga'y, muling umuwi sa Sichuan ang iba't ibang pamumuhunan batay sa panlipunang responsibilidad at kompiyansa sa kabuhayan ng mga nilindol na purok sa Sichuan. Sinabi ng isang mamumuhunang nagpapalnong muling itatag ang production line sa Chengdu na:

"Hindi magbabago ang determinasyon ng pamumuhunan namin, sa malapit na hinaharap, bubuksan ang aking proyekto na nagkakahalaga ng 100 milyong dolyares sa Chengdu. "

Sa kasalukuyan, may 3285 na medyong malaking bahay-kalakal sa Chengdu ang magpanumbalik ng produksyon na bumuo ng halos 95% ng lahat. Itinakda rin ang timetable ng pagpapanumbalik ng produksyon ng mga industrial na bahay-kalakal sa mga nilindol sa purok sa buong lalawigang Sichuan at nagsisikap ang buong lalawigan para magbigay-tulong sa mga may kakayahang bahay-kalakal na magkakasunod na mapanumbalik ang produksyon sa loob ng 3 buwan.

Sa kasalukuyan, nasa isang masusing panahon ang produksyong agricultural. Pumasok sa panahon ng pag-aani ng butil sa pag-init, nag-uunahan ang mga sundalo at buluntaryo, kasama ng mga magsasaka sa purok ng kalamidad sa pag-aani at pagtatanim.

Sa Nayon ng Badi ng Bayan ng Shehong sa Sichuan, abalang abala sa pagtatanim si Zhang Qiulin, isang magsasaka. Nawalan ng bahay siya sa lindol at tumitira siya sa tolda, nguni't, may kompiyansa siya sa rekonstruksyon, sinabi niya na :

"Ako ay magsasaka at may lupa, kung magsisikap, tiyak na mamumuhay nang mabuti."

Ayon sa salaysay, sa kasalukuyan, matatapos ang pag-aani ng mga butil sa mga purok ng kalamidad.

salin:wle