• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-19 17:00:54    
May the Good Lord Bless and Keep You, Christmas in Our Hearts, Jose Marie Chan

CRI
Magandang gabi. Ito si Ramon Jr. para sa special edition ng Gabi ng Musika.

Alam ko na kasama ko kayo sa pagdarasal para sa mga biktima ng lindol sa Sichuan, China. Hiling ko lang na habang ipinagdarasal natin ang mga hindi pinalad na makaligtas, dapat sigurong pagtuunan din natin ng pansin iyong mga biktimang nakaligtas nga pero nasaktan naman o kung hindi naman ay nawalan ng mahal sa buhay o ari-arian. Natitiyak ko na dumaranas sila ng malaking kahirapan sa ngayon, kaya alalahanin din natin sila sa tuwing tayo ay nagdarasal.

Narinig ninyo ang instrumental version ng klasikal na awiting "Somewhere in Time". Pasensiya na kayo, hindi ko nakuha ang pangalan ng piano artist.

Anyway, kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

Bigyang-daan natin ang mga SMS mula sa 920 924 4911 at 918 558 0978.

Sila ay ilan lamang sa mga tagapakinig na patuloy na sumusubaybay sa mga kaganapan sa Sichuan sa pamamagitan ng aming News and Current Affairs at patuloy ring nagdarasal at umaasa na mabalik sa normal ang pamumuhay sa nabanggit na lalawigan.

Sabi ng una: "Tapos na ang novena ko para sa mga biktima ng lindol pero patuloy pa rin akong nagdarasal para sa kanila."

Sabi naman ng huli: "I hope walang darating na malakas na ulan habang isinasaayos ang mga nasira ng lindol kasi malaking sagabal ang ulan--o mas grabe pa, bagyo--sa trabaho ng reconstruction."

Salamat sa inyo. Salamat nang marami.

Iyan naman si Jose Marie Chan sa kanyang inspirational song na "May the Good Lord Bless and Keep You" na hango sa kanyang album na "Christmas in Our Hearts."

Ilang tagapakinig naman ang nagpapahayag ng paghanga sa mga may kinalamang ahensiya ng gobyerno ng Tsina dahil sa hindi raw nawawalan ng pag-asa ang mga ito sa isinasagawa nilang search operation at dahil sa kanilang maagap na pagkontrol sa epidemiya.

Sabi ng 921 993 5399: "Kahit maraming araw na ang lumipas, hindi nawawalan ng pag-asa ang Chinese government sa paghahanap sa mga nawawalang biktima ng lindol. I admire them for having this attitude."

Sabi naman ng 929 420 4658: "Natutuwa ako dahil wala namang report na may kumakalat na sakit sa lugar na nilindol. It means, mabilis ang health agency ng China."

Thank you so much.

Maging iyong mga tagapakinig sa Germany ay aktibo ring sumusubaybay sa mga pangyayari sa Sichuan. Sabi ng 0049 170 273 8728: "Sana maging sapat ang dami ng tulong na padala ng iba't ibang bansa sa Sichuan lalo na iyong mga tolda. Hindi madali para sa mga pangkaraniwang mamamayan ang pagpapatayo ng kanilang mga nasirang bahay."

Iyan naman ang batikang clarinetist na si Acker Bilk sa kanyang instrumental version ng awiting "Stardust" na lifted sa kanyang album na may pamagat na "Clarinet Moods."

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang special edition ng ating Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.