• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-19 17:01:49    
Best Wishes sa Beijing Olympic Games

CRI

Kinapanayam kamakailan si Vichit Xindavon, Embahador ng Laos sa Tsina ng CRI, nagbendisyon siyang matagumpay ang Beijing Olympic Games.

Nang mabanggit niya ang kaniyang pagkaunawa sa Olympic Games, ipinalalagay niyang sa Olympic Games, hindi lamang ipakita ang kompetisyong pampalakasan, kundi ang pagkakaisa, kapayapaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan sa iba't ibang bansa sa daigdig. sinabi niyang:

"Ang Olympic Games ay isang pandaigdig na pagtitipong pampalakasan. Iniharap ng Beijing Olympic Games ang slogan----'One World, one Dream' at sa Olympic Games na ito, ipakikita ang harmoniya, pagkakaibigan, pagkakaisa at progreso ng sangkatauhan, ito ay hindi Olimpiyada lamang ng host country o isang takdang bansa, kundi Olimpiyada ng buong sangkatauhan. "

Ipinalalagay ng embahador na ang pagiging host city ng Beijing ng Olympic Games sa 2008 ay may mahalagang katuturan sa mga umuunlad na bansa. Sinabi niyang

"Bilang pinakamalaking umuunlad na bansa, idaraos ng Tsina ang Olympic Games, ipinalalagay kong ito ay hindi lamang pagmamataas ng mga mamamayang Tsino, kundi pagmamataas ng lahat ng mga umuunlad na bansa sa daigdig, lalo na, mga bansang Asyano. Umaasa akong magiging maringal at may katangiang Tsino ang Beijing Olympic Games."

Bilang panapos, sa wikang Tsino, bumati si emebahador Vichit Xindavon para sa Olympic:

"Best wishes to 2008 Beijing Olympic Games! Nananalig akong sa ilalim ng malakas na pamumuo ng partidong komunista at pamahalaan ng Tsina at ng taos pusong pagkatig ng lahat ng mamamayan sa buong Tsina, tiyak na magtatagumpay ang Olympiyadang ito. Bilang magandang kapitbansa ng Tsina, magandang kaibigan at magandang paterner, buong lakas na kinakatigan ng mga mammayaan ng Laos ang 2008 Beijing Olympic Games, at matapat na bumati kami sa inyo para sa kasiya-siyahang Olympiyada. "