Ngayon, bigyang-daan naman natin ang mga liham ng dalawang tagapakinig. Unahin natin itong kay Claire Santos ng Pulong Bulo, Angeles City, Pampanga. Sabi ng kanyang liham:
Dear Kuya Ramon,
Paminsan-minsan, pinipilit ko ring kalimutan ang nangyari sa Sichuan pero pag ganitong may mga balitang lumalabas na tulad ng aftershocks, hindi maaring hindi mo maalala ang mga biktima ng disaster na ang bilang ay mahirap ma-imagine. Noong una parang ayaw ko pa ngang maniwala, pero, later, naniwala na rin ako dahil hindi magsisinungaling ang pictures. Yes, from the lens!
Iniisip ko kung paano na ang Olympics at Paralympics na gaganapin sa Beijing sa August at September. Okay naman daw sa Beijing at kahit naramdaman din doon ang lindol, wala namang report ng damages at isa pa, very optimistic naman ang lahat ng mga may kinalaman sa pag-o-organize ng Games. Siguro patuloy pa rin ngayon ang pagtakbo ng Olympic torch sa iba't ibang lugar ng China at marami rin namang tagapakinig ang naniniwala na magbubukas ang Beijing Olympics as scheduled.
Sa June 9 at June 12, ipagdiriwang natin ang Filipino-Chinese Friendship Day at Philippine Independence Day. Tiyak, kahit papaano, may celebration sa Pinas ng Friendship Day , pero hindi ko lang alam sa Beijing dahil hindi pa naman natatapos ang problemang likha ng lindol at parang hindi magandang magdaos ng kasiyahan. Ang Philippine Independence Day ay working holiday dahil sa holiday economics.
At any rate, ang pinakamahalaga sa lahat ay masolusyonan ang mga immediate problems: sa China, iyong pag-asikaso sa mga biktima ng lindol at sa Pinas, iyong krisis sa bigas at petrolyo.
Happy Independence Day sa lahat...
Sabi naman ni Rachelle Truitt ng Remagen, Germany:
Kuya Ramon,
Sa pamamagitan ng mga programa mo kung Biyernes at Sabado't Linggo, ipinararating ko sa lahat diyan sa inyo ang bati ko para sa Araw ng Kalayaan at Araw ng Pagkakaibigan ng Pilipinas at China. Sana maging meaningful ang pagdiriwang ng dalawang nabanggit na espesyal na araw.
Parehong nahaharap ang Pilipinas at China sa maraming problema at pareho silang nahaharap sa maraming hamon at common challenges, kaya mas lalo nilang dapat palakasin ang kanilang cooperation at pagdadamayan. Ngayon ang tamang panahon para sa pagpapahigpit nila ng kanilang relasyon na matagal na nilang pinangangalagaan.
Sana sa darating na Paralympics na sumusunod sa Olympics, makapagpadala ng malaking delegasyon ang mga bansang ASEAN partikular na ang Pilipinas para mas maraming individual na may physical disability ang magkaroon ng pagkakataon na maipakita ang naitatago nilang husay sa paglalaro. Ang Paralympics ay isa lamang sa kakaunting pagkakataon para maipakita nila ang kanilang galing.
Pakikumusta na rin pala, Kuya, ang mga taga-Sichuan. Tell them how much I care...
Maraming salamat sa inyo, Claire at Rachelle at at ganundin sa inyong lahat sa inyong walang sawang pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
|