• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-20 20:01:49    
Hangarin ng manunulat na Tibetano

CRI
Bilang isang Tibetanong manunulat, ipinalalagay ni A Lai na lagi silang sumulat sa paninindigan ng buong sangkatauhan sa halip sa paninindigan ng mga Tibetano, sinabi niya na

"Sabi daw ng mga taong anong uring tao ay may kaniyang uring paninindigan. Sa palagay ko, hindi ganito ang katotohanan, unang-una'y may isang komong paninindigan ang buong sangkatauhan, at sa gayong paunang kondisyo'y saka masasabing ang isang indibituwal o isang etnikong grupo ang may kanyang sariling paninindigan, at ang paninindigang ito ay dapat sumunod sa paninindigan ng buong sangkatauhan. Kung mag-iisip tayo sa pananaw ng buong sangkatauhan sa halip ng sariling lahi, malulutas ang ating mga umiiral na porblema."

Sinabi ni A Lai na ang paksa ng kaniyang nilikha sa hinaharap ay magbibigay-diin rin sa mga bagay at tao sa lugar na Tbetano. Sa kaniyang nobelang Kongshan, inilarawan niya ang kaunlaran at pagbabago ng isang nayon sa lugar na Tibetano sa background ng komong kultura at kalagayan.

"Ang nilalaman ng Kongshan ay ukol sa reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina, sa katunayan, ang inilalarawan nito ay kasaysayan ng pagbabago sa kanayunan ng Tsina noong nakaraang 50 taon sapul nang itatag ang People's Republic of China. Dahil, Tibetano ako, gusto kong nagpapakita ng pagbabago ng kanayunan ng buong bansa sa pamamagitan ng paglarawan ng isang nayong Tibetano."

Kahit nakatira si A Lai sa lunsod ngayon, gusto niyang bumalik sa Aba, lupang-tinubuan, upang mangalap ng mga material para sa kanyang pagkatha. Sinabi niya na iniibig ang mga magsasaka at pastol doon, dahil silang lahat ay namumuhay nang masaya, mahirap o mayaman.

Bilang isang manunulat na Tibetano, si A Lai ay nagbibigay ng malaking pansin sa katutubong lagay ng pamumuhay ng mga kababayang Tibetano at pagbabago at pangarap ng mga tao na nakapaloob sa ganitong pamumuhay. Sinabi niya na sa katunayan, lagi siyang may isang hangarin na isulat ang pagbabago ng lipunan na naganap sa lugar na Tibetano noong nakaraang sandaang taon.