• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-23 18:13:48    
Pagsisikap ng Tsina para sa pagbabawal sa paninigarilyo

CRI
Para maisakatuparan ang target sa pagdaraos ng isang Olimpiyadang walang sigarilyo, sinimulang pairalin ngayong araw sa Beijing ang isang bagong regulasyon hinggil sa pagbabawal sa paninigarilyo. Ayon sa regulasyong ito, ipinagbabawal ang paninigarilyo sa loob at labas ng lahat ng mga pasilidad na pampalakasan na kinabibilangan ng venues ng Beijing Olympic Games, lugar ng body-building at lugar ng pangangalaga sa relikya na binubuksan sa publiko. Hinihiling din ng regulasyon na ipagbawal ang paninigarilyo sa loob ng mga restwaran, internet cafe at parke liban sa espesyal na purok para sa paninigarilyo at itakda naman ng mga hotel ang mga silid at palapag na walang sigarilyo.

Kung ihahambing sa lumang regulasyon hinggil sa pagbabawal sa paninigarilyo na itinakda ng Beijing noong 1992, pinalawak ang bagong regulasyon ang saklaw ng lugar na pampubliko kung saan ipinagbabawal ang paninigarilyo at ginawa nito ang mga mas maliwanag at madetalyeng tadhana hinggil sa pagbabawal sa paninigarilyo.

Ipinahayag ng mga taga-Beijing ang malawakang pagpayag at pagtanggap sa naturang regulasyon.

"Sa palagay ko, may pangangailangan ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga lugar na pampubliko. Ito ay pangangalaga sa mga naninigarilyo man o di-naninigarilyo at ini-uugnay din sa imahe ng Olimpiyada."

"Pabor na pabor ako sa regulasyong ito. Salamat dito, ilalayo sa second-hand smoke ang mga di-naninigarilyo na gaya ng mga babae, bata at matatanda."

Batay sa kahilingan ng bagong regulasyon, itinakda na ng mga restwaran at hotel sa Beijing ang purok para sa paninigarilyo at inilagay ang maliwanag na paunawa sa purok kung saan ipinagbabawal ang paninigarilyo.

Isinalaysay ni Sun Xianli, opisyal ng departamento ng kalusugan ng Beijing, na para maigarantiya ang pagpapatupad ng regulasyong ito, magpapadala ang kanyang departamento ng halos isang libong tagasuperbisa sa buong lunsod at mangangalap ng 100 libong boluntaryo para tulungan ang superbisyon.

Ipinahayag ng mga eksperto na ang Tsina ay isang malaking bansa ng sigarilyo at ang bilang ng mga naninigarilyo sa Tsina ay katumbas ng sangkaapat ng daigdig, dahil dito, kinakaharap ng Tsina ang malaking kahirapan sa pagpapatupad ng komprehensibong pagbabawal sa paninigarilyo sa mga lugar na pampubliko. Ngunit nitong ilang taong nakalipas, pinalalakas ng Tsina ang pagkontrol sa paninigarilyo at kumakatig ang parami nang paraming mamamayan sa hakbangin ng pamahalaan ng pagkontrol sa paninigarilyo. Ayon sa isang survey na isinagawa kamakailan, kumakatig ang mahigit 80% taga-Beijing sa komprehensibong pagbabawal sa paninigarilyo para sa Beijing Olympic Games. Ipinakikita nitong ang pagdaraos ng Beijing ng Olimpiyadang walang sigarilyo ay angkop sa opininyong publiko.

Ipinahayag din ni Sun Xianli na gagawin ng Beijing ang lahat ng pagsisikap para makalikha ng isang kapaligirang walang sigarilyo para sa Olimpiyada at sa gayo'y pasulungin ang pagkontrol sa paninigarilyo sa Beijing. Anya,

"Ang Olimpiyada ay isang pagkakataon para mapasulong namin ang gawain ng pagkontrol sa paninigarilyo. Sasamantalahin namin ang pagkakataong ito para mapasulong pa ang gawaing ito sa Beijing."