Sa ika-8 ng Agusto ng taong ito, ang ika-29 na Olimpiyada ay idaraos sa Beijing. Ang pampublikong seguridad na pangkalusugan sa panahon ng Olimpiyada ay nagsisilbing mainit na isyung pinahahalagahan ng iba't ibang sirkulo ng lipunan. Hanggang sa kasalukuyan, itinatag na ng Beijing ang sistema ng pagpigil ng epidemiya na binubuo ng isang serye ng emergency plan ng kalusugang pampubliko, itinayo ang first aid station sa Olympic Village, mga stadium at iba pang mga may kinalamang lugar at pinalakas sa buong lunsod ang pagmomonitor sa kalidad ng pagkain at tubig-inumin, nakahahawang sakit at iba pa.
Ipinahayag kamakailan sa Beijing ni Jin Dapeng, puno ng grupo ng garantiyang medikal ng lupong tagapag-organisa ng Olimpiyada ng Beijing, na sa panahon ng Olimpiyada, igagarantiya na hindi magaganap sa Beijing ang malaking kalagayang epidemiko ng nakahahawang sakit at agad at mabisang kokontrolin ang bagong pasok na nakahahawang sakit; hindi magaganap ang mga malaking insidente ng polusyon ng tubig-inumin at food poisoning; agarang hahawakan ang biglang pangyayari ng kalusugang pampubliko at insidente ng teroristikong pananalakay at maigagaratiya ang agad, mabisa at maligtas na paglunas at serbisyong pangkalusugan sa bawat nasugatan, sinabi ni Jin na
"Sa kasalukuyan, itinatag na ng Beijing ang sistemang namumuno sa mga biglang pangyayaring pangkalusugan, nabuo na ang sistama ng emergency plan ng kalusugang pampubliko at kapansin-pansing pinataas ang kakayahan para sa paggarantiya ng serbisyong pangkalusugan ng Olimpiyada."
Ang pagpigil sa mga nakahahawang sakit ay nagsisilbing isang mahalagang aspekto ng pampublikong seguridad na pangkalusugan. Sa kasalukuyan, nagtutulungan ang mga grupo ng garantiyang medikal ng lupong tagapag-organisa ng Olimpiyada ng Beijing, World Health Organization at mga lunosd at lalawigan sa paligid nito na gaya ng lunsod Tianjin, lalawigang Hebei, Shanxi, Liaoning, Jilin at rehiyong awtonomo ng Inner Mongolia para itatag ang mekanismo ng magkakasanib na pagpigil sa malaking nakahahawang sakit. Sa pamamagitan ng mga hakbangin ng mga pamahalaan sa iba't ibang antas na gaya ng pag-uugnayan ng impormasyon, pagpapalitang teknikal, magkakasanib na pagkontrol at pagtanggol at iba pa, magkakasamang napipigilan ang malaking kalagayang epidemiko ng nakahahawang sakit na posibleng magaganap at isinasagawa ang pagmomonitor sa pagkain, tubig-inumin at iba pa para maigarantiya ang pampublikong seguridad na pangkalusugan sa panahon ng Olimpiyada. Inilahad ni Zhao Tao, isang opisiyal ng kawanihang pangkalusugan ng Beijing na
"Sinimulang isagawa namin mula noong 2006 ang pagtasa sa panganib sa ilang karaniwang nakahahawang sakit sa Beijing. Sa panahon ng pagdaraos ng Olimpiyada, paparito sa Beijing ang mga dayuhang manlalaro at turista, kaya kaugnay ng posible nilang dalang sakit at sakit na pambihira sa Beijing o Tsina, isinagawa rin namin ang ilang pagtasa sa panganib nito."
Bukod ng pagpigil sa nakahahawang sakit, ang pagpuksa ng mga bagay na may buhay na nakakahantong ng sakit ay isa pang mahalagang gawain ng pampublikong seguridad na pangkalusugan. Binalangkas na ng may kinalamang departamentong pangkalusugan ang plano ng pagkontrol sa ganitong mga bagay. Sinabi ni Liu Zejun, isang may kinalamang opisiyal ng Beijing, na
"Sa panahon ng pagdaraos ng Olimpiyada, ang mga lugar na 2 kilometro ang layo sa mga stadium ng Olimpiyada ay dapat umabot sa istandard na pangkalusugan na itinadhana ng bansa. Sa loob ng naturang mga stadium, dapat masugpo ang paglitaw ng mga bagay na may buhay na nakakahantong ng sakit na kinabibilangan ng daga, langaw at lamok."
Bukod dito, sinabi ni Jin na kaugnay ng isyu ng biglaang pangyayari ng pampublikong seguridad na pangkalusugan na posibleng magaganap sa panahon ng Olimpiyada, maayos na isinagawa ng kawanihang pangkalusugan ng Beijin ang paghahanda para rito. Sa kasalukuyan, handang-handa na ang mga kagamitang pangkalusugan, gamot at iba pa para sa serbisyong pangkalusugan ng Olimpiyada, tinanggap ang may kinalamang pagsasanay ng mahigit 3000 tauhang medikal na direktang lalahok sa serbisyo ng garantiyang pangkalusugan ng Olimpiyada at 175 libong manggagawa ng sistemang pangkalusugan ng Beijing.
Salin: Ernest
|