Sa magkahiwalay na okasyon, nakipagtagpo noong Biyernes sa Beijing si tagapangulo Wu Bangguo ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina kina Prasopsuk Boondej, ispiker ng mataas na kapulungan ng Thailand at Abdul Hamid Bin Pawanteh, pangulo ng mataas na kapulungan ng Malaysia. Sa pagtatagpo nila ni Prasopsuk, ipinahayag ni Wu ang kahandaan ng panig Tsino na walang humpay na palawakin at palalimin ang estratehikong kooperasyon nila ng Thailand batay sa kanilang nilagdaang plano ng magkasanib na aksyon sa estratehikong kooperasyon para maisakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan, win-win at komong kaunlaran. Sinabi naman ni Prasopsuk na umaasa ang pambansang asembleya ng Thailand na patuloy na palakasin ang pakikipagpaplitan at pakikipagtulungan sa NPC para makapagbigay ng mas malaking ambag sa relasyong Sino-Thai. Sa pagtatagpo nila ni Hamid, sinabi ni Wu na nakahanda ang panig Tsino, kasama ng panig Malay, na walang humpay na pasulungin ang kanilang estratehikong kooperasyon at palakasin ang pagtutulungan ng NPC at parliamento ng Malaysia. Ipinahayag naman ni Hamid ang kanyang pananalig na matatamo ng Tsina ang mas malaking tagumpay sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan at magtatagumpay ang Beijing Olympic Games.
Inihandog noong Martes sa Singapore ni Zhang Xiaokang, embahador na Tsino sa Singapore, ang resepsyon para sa grupong panaklolo ng Singapore na kalahok sa gawaing panaklolo sa nilindol na purok ng Lalawigang Sichuan ng Tsina bilang pagpapahayag ng pasasalamat sa pagkatig at pagtulong na ibinigay ng Singapore sa gawaing panaklolo ng lindol na ito.
Napag-alaman noong Miyerkules ng mamamahayag mula sa sekretaryat ng Expo ng Tsina at ASEAN (CAexpo), hanggang sa kasalukuyan, humigit-kumulang 170 milyong yuan RMB o mahigit 24 milyong dolyares ang naiabuloy na ng mga samahang pangkomersyo ng Asean bilang tagapagtaguyod ng CAexpo sa mga nilindol na purok sa Sichuan, Tsina. Sapul nang maganap ang lindol sa Sichuan noong ika-12 ng nagdaang Mayo, naghandog ng nasabing mga samahang Asean ng iba't ibang aktibidad para makalap ang donasyon para sa mga sinalantang lugar ng Tsina. Ayon sa di-kompletong estadistika, nag-abuloy ng 1 milyong yuan RMB o 140 libong dolyares ang FFCCCII, Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. at nag-abuloy naman ng 77 milyong piso ang mga Chinese-Filipino sa Pilipinas.
Idinaos noong Lunes sa Bangkok ang "simposyum ng 10+3 hinggil sa ligtas na paggamit ng enerhiya". Ipinahayag sa simposyum ni Wang Zhongtang, pangalawang direktor ng pambansang kawanihan ng seguridad na nuklear ng Tsina, na nakahanda ang kaniyang bansa na isagawa ang pagtutulungan nila ng mga bansang ASEAN sa aspekto ng mapayapa at ligtas na paggamit ng enerhiyang nuklear. Dumalo sa naturang simposyum ang mahigit isang daang kinatawan na galing sa 10 bansang ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea.
Itinatag noong Biyernes sa Nanning ng Guangxi ng Tsina ang sentro ng pagpapalitan ng kultura at sining ng Tsina at ASEAN hinggil sa pagsasanay sa kabataan. Ang mga batang opisyal at mahigit 100 kinatawan ng mga batang alagad ng sining na lumalahok sa aktibidad ng camp ng mga bata ng Tsina at ASEAN sa taong ito ay dumalo sa seremoniya ng pagtatatag. Pagkatapos ng pagtatatag ng naturang sentro, oorganisahin ang Porum na Akademiko ng Tsina at ASEAN hinggil sa paglilikhang pangkultura at pansining at ibang pang aktibidad na may kinalaman sa temang ito. Ipinahayag ng kinauukulang tauhan ng panig Tsino na ipagkakaloob ng naturang sentro ang isang plataporma ng pagpapalitan para sa batang alagad ng sining at ang pagkatig at serbisyo para sa pagsasanay at edukasyon sa mga talento ng batang alagad ng sining.
|