Iimbitahan namin kayong makaranas ng kagandahan ng baybaying dagat ng Rehiyong Automonong Zhuang ng Guangxi na kombinasyon ng katangian ng mga lahi, tanawin ng kalikasan at kagandahan ng modernisasyon. Ngayon, papasok kayo sa isang mala-panaginip na misteryorong magandang dagat.
Ang Tsina ay isang nasyong may maraming pambansang minorya at ang mahigit 20 libong minoryang Jing ay nakatira sa lunsod Dongxing sa Timog Guangxi. Ang pangingisda ay pangunahing ikabubuhay ng mga mamamayan ng lahing Jing sa hene-henerasyon. Mayroon silang isang unigong ugali: kapag gusto mong kumain ng sea food, puwede kang makuha nang walang bayad ang mga isda o iba pa sa mga bapor ng mga mangingisda at hindi silang magkakagalit.
Katulad ng lahing Han, magdidiriwang sila ng mga tradisyonal na kapistahang gaya ng kapistahang pantagsibol, Dragon Boat Festival at Mid-Autumn Festival, ngunit ang pinakamaringal at pinakamasiglang kapistahan para sa lahing Jing ay "kapistahan ng Chang Ha" sa ika-10 ng Hunyo ng bawat taon. Ipinakilala ni Yang Jinghong, isang lokal na giya ang kapistahang ito na:
"Ang kahulugan ng 'Chang Ha' ay pag-aawit. Umawit kami para ipakita ang aming paggagalang sa Diyos ng dagat."
Pagdating ng "kapistahan ng Chang Ha", nakabihis pamista ang mga tao ng lahing Jing papuntang pabilyon ng Ha at umawit at sumayaw doon.
|