Mga sangkap
250 gramo ng seleri 100 gramo ng maitim na punggus 100 gramo ng tremell 10 gramo ng tubig 2 gramo ng asin 1 gramo ng vetsin 2 gramo ng shaoxing wine 100 gramo ng salad oil (kalahati lamang ang makukunsumo) 2 gramo ng sesame oil
Paraan ng pagluluto
Hiwa-hiwain ang seleri sa mga pirasong 0.3 sentimetro ang kapal. Ibabad sa tubig ang maitim na punggus at tremell, hugasan at alisan ng ugat.
Initin sa kawa ang salad oil sa temperaturang 70 hanggang 100 degree centigrade. Igisa ang mga piraso ng seleri hanggang magbago ang kulay. Alisin at patuluin.
Panatilihin ang 40 gramo ng langis sa kawa. Ihulog ang maitim na punggus at tremell at igisa sa loob ng 2 minuto. Ihulog ang seleri, lagyan ng asin at vetsin, tapos buhusan ng shaoxing wine at tubig at lutuin sa loob ng dalawa pang minuto. Wisikan ng sesame oil at isilbi.
Katangian: may magandang kombinasyon ng mga kulay.
Lasa: kaiga-igaya ang masarap.
|