Ang mabilis na pag-unlad ng kabuhayan ng mainland ng Tsina ay umaakit din ng mas maraming tao na magtrabaho sa mainland at ito ay nagkakaloob ng pagkatig sa aspekto ng talento sa usapin ni Chen. Si Qiu Shengjie, pangalawang maneger ng Quantong Group na namamahala sa kalakalan ay galing din sa Taiwan at ang pagsanib niya sa Quantong Group ay dahilan ng mabuting pagkakataon ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayan ng Guangzhou at buong mainland. sinabi ni Qiu na:
"Marami ang pagkakataon ng negosyo sa Guangzhou at maunlad ang kabuhayan dito. Kung ang pakiramdam ang pag-uusapan, ang pamumuhay negosyo at iba pang aspekto dito ay walang diperensiya sa Taiwan. Maraming pagkakatong dito lulad ng China Import and Export Fair bawat taon at iba pang eksbisyon. Kaya, malaki ang tsansa ng pag-asenso dito. "
Nitong 20 taong nakalipas, pabuti nang pabuti ang negosyo ni Chen Fengrong. Sa kasalukuyan, bukod sa mga daungan, binuksan niya ang isang kompanya para sa kalakalan sa pagitan ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits at itinatag din niya ang isang kompanya para sa pagbawi at paggamit ng mga yaman. Ngayon, naggagalugad naman siya ng isang base ng pagpaparami ng tilapia. Ang output ng base na ito ay umabot sa 50 milyon bawat taon.
Sa kasalukuyan, nakatira ang lahat ng pamilya ni Chen sa Guangzhou at bumili dito sila ng bahay. Umaasa si Chen, pagkaraan magretiro, maglalampas siya ng natitirang araw ng buhay niya sa Guangzhou. Sinabi niyang:
"Sa palagay kong kaming lahal ay galing sa mainland. Mula nang dumayo ang ninunoko sa Taiwan, may 6 o 7 henerasyon na hanggang ngayon. Umaasang uuwi. Bakit ko pinapag-aral ang aking anak na lalaki sa mainland at hiniling sa kanyang mag-aral sa unibersidad ng mainland? Ang intensyon ko'y mamumuhay lahat sa mainland ang mga anak ko."
|