• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-27 19:03:39    
Embahador ng Thailand: espesyal ang katuturan ng pagdaraos ng Tsina ng Olimpiyada sa mga bansang Asyano

CRI

Nang kapanayamin siya dito sa Beijing kamakailan ng mamamahayag ng China Radio International, ipinahayag ni Ginoong Rathakit Manathat, embahador ng Thailand sa Tsina, na ang pagdaraos ng Tsina ng Olimpiyada ay hindi lamang suliranin ng Tsina, kundi maringal na pagtitipong pampalaksan ng daigdig, may espesyal na katuturan din ito sa mga bansang Asyano. Binigyan niya ng mataas na papuri ang mainam na paghahanda ng Tsina para sa Olympic Games kasabay ng mabisang gawaing panaklolo nito sa napakalakas na lindol na naganap sa Lalawigang Sichuan. Sinabi niya na,

"Ipinalalagay kong napakahalaga ng katuturan ng 2008 Beijing Olympic Games para sa lahat ng mga mamamayan at bansa sa Asya. Idaraos ng Tsina ang Olympic Games bilang kinatawan ng mga bansang Asyano. Malaki ang pag-asa ng iba't ibang bansang Asyano sa Tsina at umaasa silang kasiya-siyang magtatagumpay ang Olimpiyadang ito.

Bilang isang kilala-kilalang bansang panturista, puspusang nagpapatingkad ang Thailand ng panghalina ng Olympic Games para maakit ang buong daigdig. Ang Thailand ay pinarangalang "ngiting bansa". Umaasang makakaramdam ang lahat ng mga pumarito sa Thailand ng bait ng Thailand, gagawa rin ang mga mamamayang Thai ng lahat ng magagawa para matanggap nang mainam ang mga kaibigan mula sa buong daigdig. Ang mga turista ay hindi lamang makikita ang magandang tanawin, kundi mararamdaman ang mayamang kultura at pagkatigmak ng damdaming pantao ng Thailand.

Lipos si Ginoong Manathat ng pag-asa sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games. Ipinalalgay niyang ang pambansang gymnasium "bird nest" ay hindi lamang isang himala ng arkitektura, kundi rin pagpapakita ng progreso ng siyensiya't teknolohiya. Ang seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games na idaraos sa bird nest ay tiyak na ikakagulat ng buong daigdig, mas mahalaga'y umaasang magpapakita ng seremonyang ito ang Olympic spirit na "pagkakaisa, pagkakaibigan at harmonya." Ipinahayag ni Ginoong Manathat na,

"Umaasa akong sa pamamagitan ng seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games, makikita ng mga manonood ang diwa ng Tsina at Olympic spirit. Unang una, magpapakita ng magkakaibang kultura ang iba't ibang Lalawigan at lugar ng Tsina at magpapakita rin ng nagkakaisang nasyong Tsino sa harap ng buong daigdig. Ika-2, magpapakita ang seremonya ng kultura ng magkakaibang nasyonalidad ng daigdig at magpapakita ng harmonya't pagkakaisa ng daigdig."

Kaugnay ng napakalakas na lindol sa Lalawigang Sichuan ng Tsina na naganap bago magdaos ng Olimpiyada, nananalig si Ginoong Manathat na tiyak na mapagtatagumpayan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino ang kahirapan, muling itatatag ang tahanan. Nagpahayag siya ng taos-pusong paggalang sa napapanahon at napakabilis na relief works ng pamahalaang Tsino, sinabi niya na,

"Nasalanta ang di-maaasahang napakalakas na lindol bago ang Olimpiyada sa taong ito, pero sa labas ng inaakala ng mga tao na bukod sa puspusang pagsasagawa ng gawaing panaklolo, maipagpapatuloy rin ng pamahalaang Tsino ang iba't ibang gawaing preparatoryo para sa Olimpiyada. Taos-puso akong umaasang sa magkakasamang pagsisikap ng pamahalaan, mga lider at mamamayang Tsino, tiyak na matatamo ng Beijing Olympic Game ang kasiya-siyang tagumpay."