• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-27 19:07:12    
Naiibang Paraan ng Pagdiriwang ng Sino-Friendship Day at Philippine Independence Day

CRI
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Dear Seksiyong Filipino 2008.

Noong ika-9 at ika-12, ipinagdiwang natin ang Araw ng Pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas at Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas.

Ilang araw bago ang dalawang nabanggit na espesyal na araw, maraming tagapakinig ang nag-iisip kung paano ipagdiriwang ang mga araw na ito samantalang kapuwa nahaharap sa krisis ang dalawang bansa.

Hanggang ngayon, ang Tsina ay abalang-abala pa sa pamamahagi ng relief materials sa libu-libong mamamayan ng mga lugar na nasalanta ng lindol at hanggang ngayon nababahala pa rin ang lahat dahil sa pagkakaroon ng di-kukulangin sa 30 quake lakes na nag-aamba ng panganib sa mga residente sa paligid. Nitong nagdaang ilang araw, nakaramdam na naman ng aftershocks ang mga residente sa lugar na nilindol at hindi man malakas ang pagyanig, sapat naman para makasira ng ilang buhay at ari-arian.

Sa panig naman ng Pilipinas, ang paglakas ng Philippine currency ay nabalam dahil sa biglaang pagsiklab ng krisis sa butil at sunud-sunod na pagtaas ng halaga ng petrolyo na nagresulta naman sa pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin.

Marami tayong dapat ipagdiwang sa Araw ng Pagkakaibigang Sino-Pilipino at Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas, pero paano tayo magsasaya sa gitna ng mga pinakahuling pangyayaring ito?

Sabi ni Melanie Cruz, Executive Assistant ng Accenture:

"Happy Filipino-Chinese Friendship Day at Happy Philippine Independence Day na rin. Masayang malungkot ang celebration natin ngayon ng ating Araw ng Pagkakaibigan; masaya, dahil talaga namang marami na rin tayong natamong bunga sa ating magandang samahan, at malungkot, dahil may problema sa isang section ng China. Siguro mas magandang i-celebrate ang araw na ito sa pamamagitan ng patuloy na pag-aalay ng mga dalangin para sa mga biktima ng lindol at patuloy na pagkakaloob ng materyal na tulong at pagpapaabot ng words of encouragement sa iba't ibang paraan sa kanila. Sa atin namang sariling Araw ng Kasarinlan, kung gusto nating makakita ng pagbabago sapul nang tayo ay maging republika, dapat munang baguhin natin ang ating mga sarili. Dito dapat magmula ang anumang pagbabago."

May practical suggestion naman ang government employee na si Erning Pasco. Sabi niya:

"Marami tayong maaring ipag-celebrate sa ating Araw ng Pagkakaibigan, pero hindi tayo kailangang mag-celebrate nang maringal na katulad ng nakagawian natin. Sa panahong ito na hindi pa nakakapagsimulang bumangon ang mga bayan at lalawigang naapektuhan ng super-lindol sa China, mas maigi kung iyong salaping gagastusin sa marangyang selebrasyon ay dalhin na lang sa mga nilindol na purok at gamitin bilang ayuda. Sa gayon, mas lalong magiging makabuluhan ang ating pagdiriwang ng Araw ng Pagkakaibigan. Ganiyan din naman ang sa pagdiriwang natin ng ating Independence Day. Tingnan muna natin kung ano ang magagawa natin para sa ating bansa bago natin tingnan kung ano ang magagawa ng ating bansa para sa atin."

Sabi naman ni Lulu Mateo, dating customer assistance supervisor ng PLDT:

"Narinig ko iyong mga mensahe ng inyong texters at letter-senders na Pilipino para sa mga naninirahan sa Sichuan. Talagang nakakabagbag ang kanilang mga mensahe at ang mga ito ay patunay lamang na talagang may pinagsamahan ang mga Pilipino at mga Chinese at talagang mahigpit ang kanilang pagkakaibigan. Ito ang dapat na maging sentro ng ating selebrasyon--ang tapat nating pagdadamayan pag mayroong kalamidad. Ang wish ko naman sa Araw ng Kalayaan ay sana matuto na tayong magkaisa tungo sa kaunlaran."

Maraming-maraming salamat sa inyong pagpapaunlak, Melanie, Lulu at Erning.

Ngayon, tunghayan naman natin ang mga mensahe ng ating textmates.

Mula sa 921 378 1478: "Sa June 9, sariwain natin sa ala-ala ang mga napitas nating bunga mula sa magandang relasyon natin ng Tsina. Hitik na hitik ito sa bunga."

At mula naman sa 915 807 5859: "God Bless on Sino-Filipino Friendship Day and Philippine Independence Day! Buong tapang na harapin natin ang lahat ng problema!"

Bigyang-daan naman natin ang ilang e-mail.

Sabi ni Blanca Cabral ng R. R. Landon Extension, CebuCity: "Greetings para sa June 9--Araw ng Pagkakaibigang Sino-Pilipino. Dahil mayroong global crisis ngayon, mayroon ding domestic crisis ang bawat bansa. Pag may ganitong phenomenon, mas kailangang magtulungan ang mga magkakaibigan na tulad ng Pilipinas at China. Sana manatiling matatag ang kanilang pagkakaibigan sa kabila ng mga kagipitan. Iyan ang wish ko sa kanila sa June 9."

Sabi naman ni Stephanie Lim ng C. M. Recto, Sta. Cruz, Manila: "Kuya Ramon, ang Pilipinas ngayon ay naghihigpit ng sinturon dahil sa krisis sa butil at krisis sa gasolina. Ang China naman ay nasa kalagitnaan pa ng krisis na bunsod ng lindol. Sa harap ng pangkagipitang kalagayan na tulad ng mga nabanggit, hindi mahalaga kung magkaroon ng magastos at magarbong celebration ng dalawang espesyal na araw. Isipin na lamang natin kung ano ang ating magagawa para sa mga kaibigan sa Sichuan, China at mga kababayan sa Pinas."

Sabi naman ni Malou Tiu ng Dasmarinas Village, Makati: "Dear Kuya Ramon, nagustuhan ko ang inyong programang pang-musika featuring the Philippine Madrigal Singers. They sang their way to uplifting the spirit of the earthquake victims. Hindi ako biktima pero na-touch ako ng kanilang mga awitin. Natitiyak ko na magkakatimo ang kanilang mga awitin sa mga puso ng mga biktima ng lindol. Ang pagsasama-sama ng kanilang mga tinig ay epektibong gamot sa mga sugatang puso. Ipinagmamalaki ko ang mga kababayang ito."

Maraming-maraming salamat sa inyo, Blanca, Stephanie at Malou. Napakagaganda ng inyong mensahe. Thank you uli and God Love You!

At iyan ang kabuuan ng ating Dear Seksiyong Filipino 2008 para sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.