Noong ika-21 ng kasalukuyang buwan, ang Beijing Olympic torch relay ay isinagawa sa Lhasa, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng Tibet. Kaugnay nito, espesyal na kinapanayam ng mamamahayag ng China Radio International o CRI si Suo Wenqing, dalubhasang Tsino sa kasaysayan ng Tibet. Ipinaliwanag ni Suo ang saligang katotohanan ng kasaysayan ng Tibet at pinakli ang pagpilipit ng Dalai Clique sa katotohanan.
Bilang miyembro ng asosyasyon ng pagpapaunlad at pangangalaga sa kulturang Tibetano ng Tsina, puspusang pinag-aaralan nang ilampung taon ni Suo, propesor ng Central University for nationalities ng Tsina, ang kasaysayan ng Tibet. Sinabi niya na noong nakaraang mahigit 1.3 libong taon, bilang rehimeng lokal nasa Tibet, ang Tufan ay nagpanatili ng mahigpit na relasyon dahil sa kasal sa Dinastiyang Tang-ang sentral na pamanalaan ng Tsina noong panahong iyon. Ang sinabi ngayon ng Dalai Clique na walang anumang relasyon ang Tibet sa sentral na pamahalaan sa kasaysayan ay maliwanag na pumipilipit at nagpapabulaan ng kasaysayan. Sinabi niya na
"Magkahiwalay na ipinakasal ang dalawang prinsesa ng Tang sa hari Tufan noong taong 641 at 710 A.D.. Ang pag-aasawang ito ay hindi lamang isang pagkakamag-anak dahil sa kasal, kundi, mas pangunahin na, ang mga sulong na kabuhayan at kultura ng Tang ay inihatid sa Tibet. Masasabing inilatag ang pundasyon para sa pagpapalitan sa pagitan ng lahing Han at Tibetano sapul noong ika-7 siglo."
Sinabi ni Suo na mula dinastiyang Yuan na mahigit 700 taon na ang nakararaan, ang Tibet ay opisyial na naging isang bahagi ng teritoryo ng Tsina at pinapamahalaan ng sentral na pamahalaan hanggang sa kasalukuyan. Ngayo'y may 3 palatandaang lubos na pinatutunayan na nangangasiwa ang sentral na pamahalaan ng Tsina ng mabisang pangangasiwa sa Tibet mula dinastiyang Yuan. Sinabi niya na
"Unang-una, naitayo ng sentral na pamahalaan noong panahon iyon ang isang espesyal na organo para sa pangangasiwa sa mga suliraning panrelihiyon at ng mga purok ng pambansang minorya ng buong bansa na kinabibilangan ng Tibet, Gansu, Qinghai at iba pa. Bukod dito, naitayo ng sentral na pamahalaan ang 3 may kinalamang departamento sa Tibet at ipinadala ang mga tropa at opisiyal doon."
|