• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-30 11:43:25    
Hunyo ika-23 hanggang ika-29

CRI
Nagpadala noong Lunes si Pangulong Hu Jintao ng Tsina ng mensahe bilang pakikiramay kay Gloria Macapagal Arroyo, Pangulo ng Pilipinas para sa bagyo na naganap sa Pilipinas. Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Hu na sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, nagpahayag siya ng taos-pusong pakikiramay sa pamahalaan at mga mamamayang Pilipino at pakikidalamhati sa mga biktima.

       

Sa ngalan ng pamahalaang Tsino, nagkaloob noong Miyerkules si Song Tao, embahador ng Tsina sa Pilipinas, ng 100 libong dolyares sa gawaing panaklolo ng Pilipinas at nagpahayag ng pangungumusta sa pamahalaan at mga mamamayang Pilipino na sinalanta ng bagyo at pakikidalamhati sa mga nasawi. Sinabi pa ni Song na nang maganap ang mahirap na panahon, palagiang kumakatig at tumutulong sa isa't isa ang mga mamamayan ng dalawang bansa. Bukod sa 100 libong dolyares, iniabot niya ang iniabuloy na 50 libong dolyares ng Red Cross Society ng Tsina sa Red Cross Society ng Pilipinas.

Sa paanyaya ni premyer Wen Jiabao ng Tsina, mula ika-30 ng buwang ito hanggang ika-3 ng susunod na buwan, pormal na dadalaw sa Tsina si punong ministro Samak Sundaravej ng Thailand. Ipinatalastas ito noong Huwebes ni tagapagsalita Liu Jianchao ng Ministring Panlabas ng Tsina sa isang regular ng news briefing. Sinabi ni Liu na sa panahon ng pagdalaw ni Samak, makikipagtagpo sa kanya si pangulong Hu Jintao ng Tsina at makikipag-usap naman sa kanya si premyer Wen. Ipinahayag pa ni Liu na ang Thailand ay mapagkaibigang kapitbansa ng Tsina. Nitong nakalipas na ilang taon, sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng kapuwa panig, komprehensibo at malalimang umuunlad ang etratehikong kooperasyon ng Tsina't Thailand. Anya, nananalig ang panig Tsino na buong lakas na pasusulungin ng pagdalaw na ito ang ibayo pang pag-unlad ng relasyong Sino-Thai.

Binuksan noong Biyernes sa Phnom Penh, kabisera ng Kambodya, ang 3 araw na pagtatanghal ng bunga ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Kambodya bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa. Isinalaysay ni Cham Prasidh, Ministro ng Komersiyo ng Kambodya, na ipapakita ng naturang pagtatanghal sa publiko ang natamong bunga ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa antas na opisyal at di-pampamahalaan ng Tsina at Kambodya. Sa seremonya ng pagbubukas ng pagtatanghal, sinabi ni Zhang Jinfeng, embahador na Tsino sa Kambodya, na nitong nakalipas na ilang taon, masigla ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Kambodya, iba-iba ang porma ng kooperasyon, malawak ang larangan ng kooperasyon at kapansin-pansin ang bunga nito. Sinabi naman ni Hor Nam Hong, Pangalawang Punong Ministro ng Kambodya, na nagbigay ang pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa Kambodya ng maraming tulong na walang bayad at preperensyal na pautang at humihigpit at tumitibay ang pagkakaibigan ng mga pamahalaan at mamamayan ng dalawang bansa.

Iniabuloy noong Biyernes ng Krus na Pula ng Biyetnam ang 200 libong Dolyares sa nilindol na purok ng Lalawigang Sichuan ng Tsina bilang tulong sa rekonstruksyon. Ang pondong ito ay ipinaabot sa Embahadang Tsino sa Biyetnam. Sa seremonya ng pagpapaabot, sinabi ni Tran Ngoc Tang, tagapangulo ng Krus na Pula ng Biyetnam, na aktibo ang iba't ibang sirkulo ng lipunan ng kanyang bansa sa pag-aabuloy sa nilindol na purok ng Tsina. Ipinahayag ni Zhai Leiming, charge'd affairs ng Embahadang Tsino sa Biyetnam, ang pasasalamat sa panig Biyetnames.

Mula ika-4 hanggang ika-11 ng susunod na buwan, idaraos sa Macao ng Tsina ang pandaigdig na kapistahan ng pagsayaw ng kabataan sa taong 2008. Hanggang sa kasalukuyan, nagpatala na para sa paglahok sa aktibidad na ito ang 13 bansa na kinabibilangan ng Pilipinas, Singapore, Thailand at iba pa.