• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-30 11:44:40    
Hong Kong, buong siglang sumasalubong sa Olimpiyada

CRI
Ang kasalukuyang taon ay tradisyonal na taon ng daga ng Tsina, pero, para sa Hong Kong, ang lugar na pagdarausan ng paligsahang Equestrian ng 2008 Beijing Olympic at Paralympic Games, ang kabayo ay tunay na palatandaan ng lunsod na ito.

Para mas mahigpit na lapitan ang kabayo, nakahanda ang nakararaming taga-Hong Kong na magbayad ng 20 libong Hong Kong dolyares bawat taon na ipakita ang kahusayan nila sa pangangabayo. Dahil dito, naging mas popular ang mga Equestrian school sa Hong Kong.

Ayon sa salaysay ni Youzeng Jiali, pirmihang pangkalahatang kalihim ng kawanihan ng mga suliraning sibil ng Hong Kong na bukod sa nasabing mga aktibidad, kasunod nang papalipit ang Olympic Games, isinagawa ng pamahalaan ng HKSAR kasama ang mga organisasyong panrehiyon ang maraming aktibidad na may kinalaman sa Olympic Games, umaasa ang pamahalaan na mapabahaginan ng mga taga-Hong Kong ang pangkasaysayang kasayahan ng Tsina sa paghohost ng Olympic Games.

Ang idinaraos na aktibidad sa Hong Kong ngayon ay nagtulak ng atomspera ng pagsalubong ng Olympic Games sa sukdalan. Idinidispley ang 18 modelo ng kabayo sa 18 distrito ng Hong Kong. Kasinglaki ng mga ito ang tunay na kabayo na gumagaya sa iba't ibang ayos ng kabayo sa paligsahang Equestrian. Ginawa ang mga ito ng 18 artista batay sa katangian ng 18 distrito ng Hong Kong at ideya ng Olympiyada.

Isang bughaw na kabayo ang idinidisplay sa distritong Dapu ng Hong Kong. Ang katawan ng kabayong ito ay gimilitan ng puting ulap. Sinabi ni taga-disenyo, G. Li Zhanhui na ang kanyang inspirasyon sa pagdidisenyo ay nagmula sa kanyang impresyon sa Dapu:

"Ang impresyong iniwan ng ng Dapu sa akin ay napakalawak ng espasyo. Nakita ko ang maraming punong-kahoy at bughaw na langit, malawakan ang langit, kaya, inilakip ko ang bughaw na langit at puting ulap sa aking disenyo."

Magkakasunod na bumoto ang mga taga-Hong Kong sa website ng samahan ng karera ng kabayo para piliin ang modelo ng kabayo na buong husay na nagpapasikat ng katangiang lokal at diwa ng Olimpiyada.

Ang kasiglahan ng mga taga-Hong Kong sa Olimpiyada ay hindi lamang ipinakikita sa pag-ibig nila sa kabayo, kundi sa aktibong paglahok sa hanay ng Olympic Volunteer. Nangangailangan ang paligsahan ng mahigit 1000 volunteer, pero, natanggap ng namamahalang organisasyon ang mahigit 10 libong pag-aaplay.

Ang pagiging-kampeon ng Paralympic Games na idaos sa lupang-tinubuan ay pangarap ni Ye Shaokang. Bilang tanging manlalarong kuwalipikado sa paglahok sa paligsahang Equestrian ng 2008 Paralimpic Games, aktibong naghahanda si Ye. Limang araw kada linggo nagsasanay siya ng pangangabayo at nag-aaral ng teorya. May-sakit siya sa ulo nang bata pa, mahirap si Ye sa paglakad, pero, dahil sa kanyang matatag na kalooban at walang humpay na pagsisikap, naging isang mahusay na manlalaro ng Equestrian si Ye. Sa ngalan ng Hong Kong, lalahok si Ye sa paligsahan ng dressage sa gaganaping Beijing 2008 Paralimpic Games. Ipinahayag ni Ye na:

"Tiyak na may katuturan para sa isang lunsod ang pagtataguyod ng paligsahan ng Equestrian. Una, uunlad ang aktibidad na ito, kaya, dahil maraming tao ang nagiging interesado sa Equestrian. Ika-2, ang paglahok ng mas maraming tao ay magdudulot ng pagtataas ng kultura at instalasyon ng aktibidad na ito. Bilang kalahok sa paligsahang ito, tuwang-tuwa ako na makita ang pag-unlad ng aktibidad na ito.

Ipinalalagay ni Huo Zhengting, direktor ng Olympic Committee ng HKSAR na pagkaraang kumalat ang Olympic flame sa mahigit 10 lunsod ng daigdig, ang Hong Kong ay naging unang hinto ng Olympic flame na pumasok sa inang-bayan, ipinakita nito ang katayuan ng Hong Kong at ipinagmamalaki ito ng bawat taga-Hong Kong. Sinabi pa ni Huo na:

"Dito, sa ngalan ng lahat ng manlalaro at working staff, iniulat sa lahat na 'We are ready'."