Ipinahayag kamakailan sa Beijing ng opisyal ng Ministri ng Panggugubat ng Tsina na lumampas sa ipinangakong iba't ibang index ng pagpapaberde ng Beijing para sa Olympic Games. Hanggang sa katapusan ng nakaraang taon, lumampas sa 40% ang coverage rate ng puno't damo ng Beijing at lumampas sa 70% ang saklaw ng pangungubat sa kabundukan ng Beijing. Halos na umabot sa 70% ang araw na asul ang langit at sa gayo'y kapansin-pansing napabuti ang kapaligirang ekolohikal ng Beijing. Sa Programang "Beijing 2008" ng gabing ito, isasalaysay ko sa inyo ang hinggil dito.
Noong ika-5 dekada ng ika-20 siglo, ang Forest Coverage ng Beijing ay 1.3% lamang at masama ang kapaligirang ekolohikal. Nitong nakalipas na ilang taon, lalong lalo na pagkatapos ng matagumpay na pagbi-bid ng Beijing ng Olympic Games noong 2001, isinagawa ng Beijing ang isang serye ng hakbangin para mapabuti ang kapaligirang ekolohikal.
Sa paligid ng mga pasilidad ng Olympic Games, pasilidad ng pagsasanay at lansangang espesyal para sa Olympic Games, isinagawa ng Beijing ang halos 100 proyekto ng pagpapaberde at itinatag ang isang pinakamalaking artipisyal na green lawn--- Olympic Forest Park. 680 hektarya ang saklaw nito at sa loob nito, may lawa at wetland. Sa gayo'y gumaganap ito ng mahalagang papel para mapabuti ang urban heat island effect, maiwasan ang alikabok, mapanatili ang tubig at mapataas ang laman ng N-ion sa hangin. Isinalaysay ni Ginoong Tang Tong, namamahalang tauhan ng parkeng ito na: (sound 1)
"Lumampas sa 530 libo ang mga puno sa loob ng parke at puwede nitong masagap ang 7.2 libong tonelada carbon dioxide at 32 toneladang sulfur dioxide at lumikha ng 5.4 libong toneladang oksiheno."
Bukod dito, isinasagawa ng Beijing ang gawain ng pagpapaberde ayon sa katangiang heolohikal. Isinalaysay ni Dong Ruilong, puno ng Beijing Municipal Bureau of Landscape and Forest, na sa mga sentral na distrito ng Beijing, at least, isa o dalawang malaking luntiang lote ang dapat itayo. Sa kanugnog, itinatag ng Beijing ang 25 libong ektaryang kagubatan-pananggalang. Sa kabundukan, 95% nakatiwangwang bundok ang tinamanan ng puno't damo. Sinabi ni Ginoong Dong na:
"Hanggang noong katapusan ng nakaraang taon, umabot sa 43% ang coverage rate ng puno't damo ng lunsod Beijing, umabot sa 70.49% ang saklaw ng puno't damo sa kabundukan ng Beijing, itinatag sa buong lunsod ang 20 natural reserve areas na bumubuo ng 8.18% ng kabuuang saklaw ng buong lunsod at sa gayo'y lumampas sa ipinangako nitong iba't ibang index ng pagpapaberde para sa Olympic Games."
Kasabay nito, magkasanib na isinagawa ng Beijing at ibang lugar sa paligid nito ang proyekto ng pagpigil ng paglitaw ng alikabok. Isinalaysay ni Liu Tuo, may kinalamang tauhan ng Pambansang Kawanihan ng Panggugubat ng Estado ng Tsina, na:
"Sa mga mabuhanging purok sa Inner Mongolia, inilagay namin ang mga dayami, clay at iba pang bagay sa ibabaw ng alikabok para hadlangan ang pagkalawak ng desyerto. Sa Bashang ng lalawigang Hebei at purok sa Hilagang Shanxi, itinatag namin ang heolohikal na kagubatan-pananggalang."
Ayon sa Ginoong Liu, dahil patuloy na dumadami ang vegetation sa Beijing at paligid nito at lumiit ang ilang, kapansin-pansing bumababa ang kadalasan ng maalikabok na panahon, lalong lalo na ng bagyo ng buhangin.
|