• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-01 09:49:07    
Yu Guangyuan

CRI
Ang 59 na taong gulang na si Yu Guangyuan ay tagapagmana ng "sayaw ng Shalang"---isang sayaw ng etinikong grupo ng Qiang ng Tsina, siya rin ay isang dalubhasa sa kultura ng Qiang. Nakatira siya sa bayan ng Mao ng lalawigang Sichuan. Kapag hindi naganap noong ika-12 ng Mayo ang napakalakas na lindol sa Sichuan, hindi kilala ito ng maraming tao. Sa programang "Kultura ng Tsina" ng gabing ito, isasalaysay ko sa inyo si Yu Guangyuan at ang kultura ng etnikong grupo ng Qiang.

Noong ika-14 ng Hulyo ay ika-3 araw ng pamanang kultural ng Tsina. Noong gabing ito, itinanghal sa Beijing ang isang palabas na may ngalang "Shu Feng Gu Yun". Sa pagtatanghal na ito, nakatawag ng pansin ng mga manonood ng Beijing ang palabas ng mga artista ng Qiang na galing sa mga bayan ng Wenchuan, Maoxian, Beichuan at iba pang nilindol na purok sa Sichuan. Tinugtog nila nang may dalang luha sa bingit ng mga mata ang qiangdi---double-piped wind instrument at Sheepskin Drum at ipinakikita ang kaakit-akit na awit at sayaw ng Qiang, kaugalian ng sinaunang Qiang at kultura ng Qiang. Si Yu Guang Yuan ay kabilang sa 23 artistang ito.

Nang kapanayamin ng medya, ang pinakaraming nabanggit ni Yu ay paninira ng nilindol sa kultura ng Qiang. Sinabi niyang:

"Sa napakalakas ng lindol, grabeng sinira ang mga tahanan ng mga mamamayan ng Qiang at ang kapinsalaang lunsod nito sa kultura ng Qiang ay sa labas ng guniguni. Pagkatapos ng lindol, drastikong nagbago ang kalagayang pangkalikasan."

Ang Qiang ay binansagang "lahing sa ibabaw ng ulap, dahil nakatira sila sa bulubunduking purok. Grabeng sinira ang mga tirahan nila sa bundok sa lindol at may ila'y ang naging guho. Kaunti ang populasyon ng Qiang at hiwa-hiwalay na nakatira sila, kaya mahirap ang pagpapatuloy ng kultura nito. Iilang lamang ang taong mahusay sa kultura nito. Sa lindol, ang ilang sa kanila ay namatay. Nang mabanggit ang kaniyang mga kasama, napakalungkot ni Yu.

"May mga 30 tagalahing Qiang noon ang nagtrabaho doon sa museo ng Beichuan at lahat silang namatay sa lindol. Dati, madalas na nagtalakayan kami at nagpalitan ng palagay. Napakalungkot ko. Namatay sila at nawala ang kultura, dahil, ang kultura ay ipagpapatuloy ng mga tao."