• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-01 09:59:27    
Melanie Cruz, Erning Pasco at Lulu Mateo: Marami tayong maaring ipag-celebrate sa ating Araw ng Pagkakaibigan

CRI

Happy Filipino-Chinese Friendship Day at Happy Philippine Independence Day na rin. Masayang malungkot ang celebration natin ngayon ng ating Araw ng Pagkakaibigan; masaya, dahil talaga namang marami na rin tayong natamong bunga sa ating magandang samahan, at malungkot, dahil may problema sa isang section ng China. Siguro mas magandang i-celebrate ang araw na ito sa pamamagitan ng patuloy na pag-aalay ng mga dalangin para sa mga biktima ng lindol at patuloy na pagkakaloob ng materyal na tulong at pagpapaabot ng words of encouragement sa iba't ibang paraan sa kanila. Sa atin namang sariling Araw ng Kasarinlan, kung gusto nating makakita ng pagbabago sapul nang tayo ay maging republika, dapat munang baguhin natin ang ating mga sarili. Dito dapat magmula ang anumang pagbabago.

Melanie Cruz

 

Marami tayong maaring ipag-celebrate sa ating Araw ng Pagkakaibigan, pero hindi tayo kailangang mag-celebrate nang maringal na katulad ng nakagawian natin. Sa panahong ito na hindi pa nakakapagsimulang bumangon ang mga bayan at lalawigang naapektuhan ng super-lindol sa China, mas maigi kung iyong salaping gagastusin sa marangyang selebrasyon ay dalhin na lang sa mga nilindol na purok at gamitin bilang ayuda. Sa gayon, mas lalong magiging makabuluhan ang ating pagdiriwang ng Araw ng Pagkakaibigan. Ganiyan din naman ang sa pagdiriwang natin ng ating Independence Day. Tingnan muna natin kung ano ang magagawa natin para sa ating bansa bago natin tingnan kung ano ang magagawa ng ating bansa para sa atin.

Erning Pasco

 

Narinig ko iyong mga mensahe ng inyong texters at letter-senders na Pilipino para sa mga naninirahan sa Sichuan. Talagang nakakabagbag ang kanilang mga mensahe at ang mga ito ay patunay lamang na talagang may pinagsamahan ang mga Pilipino at mga Chinese at talagang mahigpit ang kanilang pagkakaibigan. Ito ang dapat na maging sentro ng ating selebrasyon--ang tapat nating pagdadamayan pag mayroong kalamidad. Ang wish ko naman sa Araw ng Kalayaan ay sana matuto na tayong magkaisa tungo sa kaunlaran.

Lulu Mateo