Ngayong araw, pormal na nagsimulang pairalin ng Beijing ang mga hakbangin para maigarantiyang magiging maalwan ang transportasyon at malinis ang hangin sa panahon ng pagdaraos ng Beijing Olympics at Paralympics. Halimbawa, nahinto na ang pagtatakbo ng mga kotse ng ilang departamento ng pamahalaan at mga bahay-kalakal at naipagbawal ang pagtatakbo ng mga sasakyan de motor na hindi nakaabot sa istandard sa gas emission. Bago buksan ang 2008 Olympic Games, magsasagawa ang Beijing ng higit pang maraming katulad na hakbangin.
Kaugnay nito, ipinahayag ng mga residenteng lokal ng Beijing ang kanilang pagkaunawa at pagkatig. Anila, sa panahon ng gaganaping Olympic Games, gagamit sila ng public transport sa halip na gumamit ng sariling kotse.
Napag-alamang mula ika-20 ng buwang ito hanggang ika-20 ng susunod na Setyembre, maglilimita rin ang Beijing ng paggamit ng mga pribadong kotse, ibig sabihin, kung ang numero ng plaka ng isang kotse ay numerong gansal, gagamitin ito lamang kung ang petsa ay gansal at kung ang bilang ng plaka ay numerong tukol, gagamitin lamang ito kung ang petsa ay tukol.
Kaugnay nito, ganito ang sinabi ni G. Zhang Jian, isang residenteng taga-Xuan Wu District ng Beijing.
"Kung malapit ang destinasyon, sasakay ako ng bisikleta, kung malayo naman, gagamit ako ng bus. Para sa maraming destinayon, ang bus ay mas maginhawa kaysa sa pribadong kotse. Kaya ang patakaran hinggil sa limitason sa paggamit ng pribadong kotse ay kapaki-pakinabang din sa mga may-ari ng pribadong koste at ito rin pagkatig sa Olimpiyada."
Sinabi naman ni G. Zhou Zhengyu, Pangalawang Direktor ng Beijing Transport Committee na mahigit 16 milyon ang bilang ng mga regular na residente sa Beijing at humigit-kumulang sa 3.3 milyon ang bilang ng mga sasakyang-de-motor ng kabisera. Sa panahon ng pagdaraos ng Olympics at Paralympics, inaasahang aabot sa ilang milyon ang bilang ng mga lalahok na atleta, opisyal at manonood. Kaya, aniya, dapat isagawa ng Beijing ang iba't ibang hakbangin para mapahupa ang posibleng pressure sa transportasyon sa gaganaping Olimpiyada at ito ay isang pandaigdig na norma na ginawa ng dating mga bansang tagapagtaguyod sa Olimpiyada. Sinabi pa niya na:
"Sa panahon ng pagdaraos ng Olympics at Paralympics, hindi makakatugon sa pangangagailan kung isasagawa lamang ang mga regular na hakbangin ng pangangasiwa sa transportasyon. Kaya, sa mga Olimpiyada na tulad iyong mga idinaos sa Seoul at Athens, ang mga punong-abala ay nagsagawa rin ng mga limitasyon na gaya ng paggamit ng mga pribadong kotse ayon sa petsang tukol at gansal."
Ayon sa pinakahuling poll, 95% ng mga residenteng taga-Beijing ay kumakatig sa nasabing hakbangin.
Bukod dito, upang katigan ang mga residenteng lokal na buong-higpit na sumunod sa hakbanging ito, ang Pamahalaang Munisipal ng Beijing ay nagbawas din ng may kinalamang buwis ng mga may-ari ng pribadong kotse. Kaugnay nito, ganito ang sinabi ni Gng. Jiang Yan, isang residenteng taga-Beijing.
"Sa pagbabawas ng buwis, masasabing maasikaso sa madla ang pamahalaan ng Beijing. Bukod dito, sa pamamagitan ng hakbanging ito, maiigarantiya ang malinis na hangin sa panahon ng gaganaping Olimpiyada."
Kasabay nito, magpapairal din ang Beijing ng iba't ibang hakbangin para matiyak ang maalwang operasyon ng mga public transport na gaya ng pagpapahaba ng operation time at pagdaragdag ng sasakyan.
|