Ngayon, dadalhin kita sa Nayong Huangyao at Bundok ng Gupo upang madamdaman ang tanawin ng matandang nayon at ganda ng pambansang parke ng kagubatan doon.
Ang matandang nayong Huangyao ay nasa lower reaches ng Ilog Lijiang sa dakong silangan ng Rehiyong Autonomo ng Guangxi. Hanggang sa kasalukuyan, may 1036 na taong kasaysayan ang nayong ito. Isinalaysay ni Zhu Xianggui, tauhan ng kompanya ng turismo at kultura ng nayong Huangyao na,
"May 4 na katangi-tanging tanawin ang matandang nayong ito, alalaong baga'y matandang banyan, Ilog Yaojiang na dumaraan sa loob ng nayon, kalye ng mga bato at maraming pabilyon."
Nakikita ninyo ang katandaan ng nayong Huangyao sa anumang sulok nito. Ang matandang balon na tinatawag na "Xianren" sa timog silangang sulok ng nayon ay isa sa mga ito. Ang balong ito ay binubuo ng 5 balon ng bukal. Nang bumuga ang tubig ng bukal mula sa tubo sa ilalim ng lupa, dumadaloy ito sa unang balon, at pagkatapos, dumadaloy nang magkakasunod sa iba pang mga balon. May mahigpit na regulasyon para sa paggamit ng bawat balon. Sinabi ni Lianghua, isang residente ng nayong ito na,
"Ito ang isang espesyal na balon ng aming nayon. Ang tubig sa unang balon ay tubig-inumin lamang. Ang ika-2 ay para sa paghuhugas ng gulay. Ang 3 iba pa ay para sa paglalaba. Sa pamamagitan ng paulit-ulit na paggamit ng tubig, napapangalagaan ang yamang tubig."
Ang magkakahiwalay na paggamit ng tubig sa magkakaibang balon ay nagpapakita ng katalinuhan ng mga ninuno. Ang lugar sa paligid ng balong ito ay isang sentro ng nayon para sa pagpapalitan ng kultura at impormasyon. Nang maglaba o maghugas ng gulay ang mga babae, nagpapalitan din sila ng iba't ibang impormasyon ng nayon.
|