Mga sangkap
300 gramo ng lomo ng baboy 2 gramo ng siling labuyo 5 gramo ng luya, hiniwa-hiwa 5 gramo ng scallion, hiniwa-hiwa nang pino 5 gramo ng suka 5 gramo ng bawang, minasa 5 gramo ng soy sauce 10 gramo ng shaoxing wine 10 gramo ng vetsin 3 gramo ng asin 1 puti ng itlog 10 gramo ng tuyong cornstarch 5 gramo ng mixture of cornstarch and water 100 gramo ng langis na panluto
Paraan ng pagluluto
Hiwa-hiwain ang lomo ng baboy sa mga pirasong 0.8 sentimetro ang haba, lapad at kapal. Lagyan ng 2 gramo ng asin, tuyong cornstarch at puti ng itlog, tapos haluing mabuti. Hiwa-hiwain din ang siling labuyo sa mga pirasong 3 sentimetro ang haba.
Ilagay sa mangkok ang vetsin at nalalabing asin at buhusan ng shaoxing wine, mixture of cornstarch and water, suka at soy sauce para sa sarsa.
Initin sa kawa ang langis na panluto sa temperaturang 70 hanggang 100 degree centigrade at igisa ang mga piraso ng lomo ng baboy hanggang sa maluto. Hanguin at patuluin. Panatilihin sa kawa ang 20 gramo ng langis at igisa ang scallion, luya, bawang at siling labuyo hanggang lumutang ang bango. Ibuhos ang sauce at ihulog ang mga piraso ng lomo ng baboy, tapos haluing mabuti. Isalin sa plato at isilbi.
Katangian: may malakas na lasa at magandang kulay.
Lasa: maanghang at masarap.
|