Binuksan kahapon sa Beijing ang symposium ng Tsina't Hapon hinggil sa pagtutulungan sa rekonstruksyon at reabilitasyon ng mga purok ng Tsina na niyanig ng lindol. Ipinahayag ng mga kalahok na opisyal Tsino na mapupulot ng Tsina ang karanasan ng Hapon sa rekonstruksyon ng mga apektadong lugar at sa hinaharap naman, magpapadala ang Hapon ng mga dalubhasa sa pagbibigay-tulong sa muling pagpapabangon ng mga nilindol na purok ng Tsina.
Ilampung dalubhasa at opisyal mula sa panig Tsino at Hapones ay kalahok sa nasabing pulong na nasa magkasamang pagtataguyod ng Ministry of Housing and Urban-rural Construction ng Tsina at Japan International Cooperation Agency o JICA.
Kaugnay nito, ganito ang sinabi ni G. Li You, pangalawang direktor ng Kawahinan ng Konstruksyon ng Lalawigang Sichuan.
"Lubusang pinamamalasakitan at mahigpit na sinusubaybayan ng panig Hapones ang kalagayan ng mga nilindol na purok ng Tsina at sa ngalan ng mga apektadong kababayan, gusto kong pasalamatan ang komunidad ng daigdig na kinabibilangan ng Hapon sa kanilang ibinibigay na suporta. Gusto naming gawing reperensiya ang karanasan at aral ng Hapon sa pagharap sa lindol."
Ayon sa datos, mahigit 69 libong mamamayang Tsino ang namatay sa naganap na lindol sa Sichuan na may lakas na 8 sa Richter Scale at umabot naman sa mahigit 100 libong kilometro kuwadrado ang saklaw ng mga apektadong lugar. Napakahigpit ng rekonstruksyon ng mga nilindol na purok at bukod sa malaking pondo na dapat ibuhos, kailangang kailangan ang pagpapapasok ng sulong na karanasan at teknolohiyang dayuhan.
Sinabi naman ni G. Koga Shigenari, puno ng Japan International Cooperation Agency China Office, na bilang isang bansang malimit na niyayanig ng lindol, nakahanda ang Hapon na makibahagi sa may kinalamang karanasan nito sa Tsina. Sinabi pa niya na:
"Ibabahagi namin sa Tsina ang aming karanasan at aral sa pagharap sa lindol. Salamat sa symposium na ito, maaari naming malaman ang hinggil sa pangangailangan ng mga nilindol na purok ng Tsina at makakatulong ito sa pagpapasulong ng pagtutulungang panteknolohiya namin ng Tsina na gaya ng pagpapadala ng mga dalubhasang Hapones."
Napag-alamang nailunsad na ng JICA sa mga nilindol na purok ng Tsina ang ilang kooperatibong proyekto na tulad ng muling pagtatanim ng mga halaman, pagpigil sa pagsiklab ng mga salot at pagpapagaling ng mga malubhang nasaktan.
Sinabi rin ng nasabing kalahok na Hapones na meron din siyang natutuhan mula sa panig Tsino sa pagharap ng lindol. Sinabi niya na:
"Ikinasindak namin ang maagap at mabilis na aksyon ng buong Tsina. Una, agad na nagpadala ang Pamahalaang Tsino ng mga grupong panaklolo at tauhang medikal sa mga nilindol na lugar. Ikalawa, pinakilos ang buong bansa para magamot ang mga nasaktan at ang mga nasaktan ay mabilis at maayos na nailipat sa iba pang mga di-apektadong lugar. Hindi naisagawa ng Hapon ang ganitong saklolo. Karapat-dapat na matutuhan dito ang Hapon. "
|