• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-03 11:48:51    
Bundok ng Gupo at orihinal na ekolohiya roon

CRI
Kung masasabing nagpapakita ang nayong Huangyao ng matandang ganda ng sibilisasyon, nagpapakita ang pambansang parke ng kagubatan ng Bundok ng Gupo sa paligid ng nayong Huangyao ng ganda ng orihinal na ekolohiya.

Ang pambansang parke ng Bundok ng Gupo ay nasa hugpungan ng hanggahan ng Guangxi, Lalawigang Hunan at Lalawigang Guangdong at umabot sa 8 libong hektarya ang kabuuang saklaw nito. Sa loob ng parkeng ito, 25 tuktok ang may taas na lumampas sa isang libong metro at lumampas sa 1800 metro ang pinakamataas na tuktok.

Dahil malago ang kagubatan, marami ang talon at ilug-ilugan, napakataas ng proporsyon ng negative ion sa hangin ng Bundok ng Gupo at tinatawag itong pinakamalaking natural oxygen bar sa timog Tsina.

Sa kasalukuyan, tinatanggap ng Bundok ng Gupo ang mahigit 50 libong turista mula sa loob at labas ng bansa bawat taon at maging ika-2 destinasyong karapat-dapat na bisitahin sa Guangxi sa larangan ng international tourism. Sinabi ng isang turista galing sa Malaysia na,

"Salamat sa TV series ng Hong Kong, nalaman ko ang Bundok ng Gupo. Napakaganda ng tanawin doon, sariwa ang hangin at presko ang klima. Irerekomanda ko ang mga kaibigan ko para mamasyal dito."