• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-03 11:49:45    
Tunguhin ng kabuhayang Tsino pagkatapos ng lindol

CRI
Ang napakalaking lindol na naganap noong ika-12 ng nagkaraang buwan sa Wenchuan ng lalawigang Sichuan ay nagdulot ng napakagrabeng kapinsalaan sa mga nilindol na purok, at ito ay nakatawag din ng pansin ng mga mamamayan sa tunguhin ng kabuhayan ng Tsina pagkatapos ng lindol. Sa programa ng gabing ito, tatalakayin natin ang hinggil sa isyu sa larangang ito.

Ang napakalaking lindol na naganap sa Wenchuan ng lalawigang Sichuan noong ika-12 ng nakaraang buwan ay lindol na nakakaapekto ng pinakamalawak na lugar ng Tsina sapul noong taong 1949. Hanggang sa kasalukuyan, ang lindol na ito ay ikinamatay ng mahigit 60 libong tao at ang direktang kapinsalaang pangkabuhayan ay lumampas ng mahigit 200 bilyong RMB.

Hinggil dito, ipinahayag ni Mu Hong, pangalawang puno ng Pambansang lupon ng pag-unlad at reporma ng Tsina na ang kapinsalaang dulot ng lindol na ito ay napakagrabe, ngunit, limitado ang epekto nito sa kabuuang halaga ng produksyong panloob o GDP ng Tsina sa taong ito.

"Ang nilindol na purok ay pangunahing nasa rehiyong hilaga ng Sichuan. Nananalig kaming ang kalamidad na ito ay nagdulot ng napakalaking epekto sa buong Sichuan, ngunit, ang proporasyon ng kabuhayan ng Sichuan sa GDP ng buong bansa ay mga 4%, kaya, ipinalalagay naming limitado ang epekto nito sa kabuuang halaga ng produksyong panloob o GDP ng Tsina sa taong ito."