Bukod dito, hinirang ng dinastiyang Yuan ang lider ng isang sekta ng Tibetanong Budismo na guro ng emperador para mangasiwa ng suliranin ng Tibet bilang opisiyal ng sentral na pamahalaan at sa panahon iyo'y nabuo ang sistema ng pagsasama ng pulitika at relihiyon. Ikatlo, naitayo pa ang mga post house sa Tibet, ibinilang ang populasyon nito at siningil ang buwis. Ang mga ito ay inirekord sa mga dokumento o mga relikya.
Sinabi ni Suo na mula dinastiyang Yuan, ang lahat ng kapangyarihan panrelihiyon at pulitikal ng iba't ibang sekta ng Tibetanong Budismo ay dapat bigyan ng sentral na pamahalaan at kung hindi, hind tatanggapin ito ng mga mamamayan at mangheng Tibetano at ang kasalukuyang legal na katayuan ni Dalai Lama ay binigyan ng sentral na pamahalaan ng Tsina noong panahon iyon. Ang mga ito ay ibayo pang nagpapakita na ang Tibet ay nasa hurisdiksyon ng Tsina.
Kaugnay ng sinasabing ng kanluraning sirkulong pangkasaysayan na ang Gaxag Government ng Tibet noong panahon ng dinastiyang Qing ay isang nagsasariling rehimen, sinabi ni Suo na(sound 3)
"Upang mas mabisang isagawa ang kapangyarihan ng sentral na pamahalaan sa Tibet, naitayo ng dinastiyang Qing ang Gaxag Government noong 1751 at isinagawa ang pagbabahagi sa kapangyarihan at alalaong baga'y namamahala ang mga opisiyal ng dating pamahalaang lokal ng Tibet sa mga suliraning Tibetano, datapuwa't sa ibabaw ng Gaxag Government, may isang opisiyal sa Tibet na ipinadala ng sentral na pamahalaan para sa pagsusuperbisa sa Gaxag Government."
Bukod dito, sinabi pa ni Suo na ang umano'y tropang Tibetano ay naitayo rin ng sentral na pamahalaan ng dinastiyang Qing. Ang pag-buo, organo at iba pa ay isinagawa sa ilalim ng magkasamang pagsusuperbisa ng opisiyal ng sentral na pamahalaan na nakatalaga sa Tibet at Dalai Lama. Kasabay nito, nagpadala ang Qing ng tropang nito sa Tibet para ipagtanggol, kasama ang tropang Tibetano, ang hanggahan ng Tsina.
Salin: Ernest
|