• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-08 11:34:17    
Lahing Qiang sa lindol

CRI

Ngunit, binigyang-diin ni Yu na ang Qiang ay isang malakas na lahi at hindi ito bumagsak. Noon pa sa unang dako ng taong ito, itinakda na ng Ministri ng Kultura ng Tsina na idaos ang isang serye ng pagtatanghal ng mga dramang lokal sa panahon ng araw ng pamanang kultural at ang grupong pansining ng Sichuan ay sa listahan. Ngunit, ang lindol ay nagpabago ng dating plano. Namatay ang ilang artista at nawala ang iba. Walang humpay na nakipag-ugnay si Yu sa mga artisa at sama-sama silang gumawa ng paghahanda para sa palabas. At sa pagsuong ng maraming kahirapan at dumating sila sa Beijing. Inihandog nila sa mga manonood ang isang mahusay na palabas at masigabo silang pinapalakpakan. Sinabi ni Qu Hongmei, isang manonood na: 

"Kami ay mga kasapi sa isang malaking pamilya. Umaasa kaming muling itatayo ang mga tahanan nila at magiging mas maganda ang Sichuan."

Nang mabanggit ang pagpapatuloy ng kultura ng Qiang, lipos din ng pananalig si Yu, sinabi niyang:

"Ang kultura ng lahing Qiang ay pinag-uukulan ng pansin ng Ministri ng Kultura at larangang pangkultura sa buong bansa. Ikinalulugod naming may pagkakatao naming ipakita ang kultura ng lahing Qiang. Ang diwa namin ay hindi masisira. Ang buong sambayanan ay nakakatayo sa likod naming, tiyak na maipagpapatuloy ang kultura ng lahing Qiang."

Si Yu Guangyuan ay itinakda bilang tagapagmana ng intangible culture heritage ng Qiang. Sinabi niyang bilang miyembre ng Qiang, may responsibilidad siya na magbigay ng ambag sa pagpapatuloy ng kultura ng Qiang, lalong lalo na pagkatapos ng lindol.