Greetings para sa June 9--Araw ng Pagkakaibigang Sino-Pilipino. Dahil mayroong global crisis ngayon, mayroon ding domestic crisis ang bawat bansa. Pag may ganitong phenomenon, mas kailangang magtulungan ang mga magkakaibigan na tulad ng Pilipinas at China. Sana manatiling matatag ang kanilang pagkakaibigan sa kabila ng mga kagipitan. Iyan ang wish ko sa kanila sa June 9.
Blanca Cabral R. R. Landon Extension Cebu City
Kuya Ramon, ang Pilipinas ngayon ay naghihigpit ng sinturon dahil sa krisis sa butil at krisis sa gasolina. Ang China naman ay nasa kalagitnaan pa ng krisis na bunsod ng lindol. Sa harap ng pangkagipitang kalagayan na tulad ng mga nabanggit, hindi mahalaga kung magkaroon ng magastos at magarbong celebration ng dalawang espesyal na araw. Isipin na lamang natin kung ano ang ating magagawa para sa mga kaibigan sa Sichuan, China at mga kababayan sa Pinas.
Stephanie Lim C. M. Recto Sta. Cruz, Manila
Dear Kuya Ramon, nagustuhan ko ang inyong programang pang-musika featuring the Philippine Madrigal Singers. They sang their way to uplifting the spirit of the earthquake victims. Hindi ako biktima pero na-touch ako ng kanilang mga awitin. Natitiyak ko na magkakatimo ang kanilang mga awitin sa mga puso ng mga biktima ng lindol. Ang pagsasama-sama ng kanilang mga tinig ay epektibong gamot sa mga sugatang puso. Ipinagmamalaki ko ang mga kababayang ito.
Malou Tiu Dasmarinas Village, Makati
|