Mga sangkap
1 buhay na batang manok na tumitimbang ng mga 1000 gramo 100 gramo ng distillers' grain 45 gramo ng asin 30 gramo ng scallion, hiniwa-hiwa 18 gramo ng luya, hiniwa-hiwa 24 gramo ng Chinese prickly ash 2000 gramo ng tubig
Paraan ng pagluluto
Patayin ang manok, alisan ng balahibo at laman, tapos hugasan. Magbuhos ng tubig sa kaserola at ilubog ang manok. Isunod ang 10 gramo ng scallion, 6 gramo ng luya at 15 gramo ng asin at pakuluin. Bawasan ang apoy at ilaga sa loob ng 40 minuto, tapos alisin ang manok. Habang mainit pa ang likido sa kaserola, lagyan ng Chinese prickly ash tapos isunod ang nalalabing asin, scallion at luya. Pagkaraang lumamig ang likido, lagyan ng distillers' grain. Ihulog ang manok at ibabad sa loob ng 20 minuto.
Hiwa-hiwain ang manok sa apat na bahagi at ilagay sa isang palangganita. Salain ang distiller's grain alcohol para maalis ang mga latak. Ibuhos ang alkohol na ito sa palangganita na naglalaman ng manok at ilagay ang palangganita sa repridyeretor. Alisin pagkaraan ng 2 oras. Hiwa-hiwain nang maliliit ang manok at isalin sa plato. IBuhos ng likido mula sa kaserola at isilbi.
Katangian: maputing maputi ang kulay.
Lasa: nangingibabaw ang lasa ng distillers' grain. May kaalatan pero masarap.
|