• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-10 17:12:58    
Hindi nakakaapekto ang lindol sa pamumuhunan sa Sichuan

CRI
Napag-alaman ng mamamahayag na hindi nakakaapekto ang lindol sa kompiyansa ng pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na namuhunan ng mga mangangalakal na dayuhan sa Sichuan. Ayon sa estadistika mula sa lupon ng Chendu hinggil sa pagpapasulong ng pamumuhunan, 10 araw na pagkatapos ng lindol, nanumbalik ang produksyon ng 80% bahay-kalakal na pinamumuhunanan ng mga mangangalakal na dayuhan. Sinabi ni William Gan Kian Hock, punong manadyer ng kompanya ng Singapore sa Chendu sa larangan ng teknolohiya ng komunikasyon, na :

"Ipinapaalam namin sa mga konsumer sa ibang bansa at punong himpilan namin na hindi nasira ang Chengdu, nanumbalik na ang normal na buhay at produksyon, kaya hindi maapektuhan ang pag-unlad doon ng bahay-kalakal namin."

Sa larangan ng pagluluwas, dahil ang Sichuan ay hindi mahalagang base ng pagluluwas ng Tsina, walang malaking epekto sa kalakalan ng pagluluwas ng Tsina. sa larangan ng konsumo, sa kasalukuyan, sapat ang pagsusuplay sa pamilihang Tsino at malaki ang kakayahan ng konsumo.

Maliban sa naturang mga isyu, sa panahon ng rekonstruksyon, posibleng kinakaharap ng Tsina ang presyur ng implasyon, hinggil dito, sinabi ni Ji Min, opisyal ng People's Bank of China na:

"Dapat mapanatili namin ang mahigpit na patakarang pansalapi sa larangan ng pagkontrol sa kabuuang bolyum."

Pagkatapos ng lindol, ini-arrange ng sentral na pananalapi ng Tsina ang ilampung bilyong yuan RMB na pondong panaklolo, at itinatag din ang 75 bilyong yuan na pondo para sa rekonstruksyon pagkatapos ng lindol. Ang mga pondong ito ay isusulong ang pangangailangan ng produkto ng konsumo at pamumuhunan sa loob ng bansa at mabisang magtutulak ng kabilisan ng paglaki ng produksyong industriyal at pamumuhunan sa huling hati ng kasalukuyang taon.