• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-14 10:53:15    
Edukasyon ukol sa seguridad sa kampus

CRI

Mga giliw na tagapagkinig, ang malakas na lindol na naganap noong ika-12 ng Mayo sa Wenchuan ng lalawigang Sichuan ay hindi lamang nagdulot ng kalamidad sa mga mamamayang lokal, kundi nakaapekto sa mga lugar sa paligid nito. Datapuwa't sa Sangzao Middle School ng bayang An na di-malayo sa epicenter ng lindol, ang mahigit 2000 guro at estudyante ay nakaligtas lahat sa lindol na ito. Bakit kaya? Ang isang pangunahing dahilan ay isinasagawa ng paaralang ito ang emergency evacuation drill tuwing semestre sapul noong 2005.

Sa Tsina, di-kakaunting paaralan ang naggugumiit sa mahabang panahon ng pagpapataas ng ideyang panseguridad at contingency ability ng mga esdutyante. Sa lunsod Xiangtan ng lalawigang Hunan, ang Hunyo tuwing taon ay nagsisilbing buwan ng maligtas na produksyon. Sa panahong ito, mga paaralan sa lalawigang ito ang nagsasagawa ng mayaman at makulay na aktibidad ng edukasyon ukol sa seguridad sa kampus.

Sinabi ni Kang Jinzhou, prinsipal ng No.12 Middle School ng Xiangtan, na upang maigarantiyang mabilis at maasyos na lumikas ang mga estudyante nang makatagpo ng pangkagipitang kalagayan, binalangkas nila ang exigency plan at laging isinasagawa ang pagsasanay hinggil dito. Sinabi niya na

"Dapat may pangkalahatang plano, evacuation route at aktuwal na pagsasaayos sa bawat exit. Nitong nakalipas na mahabang panahon, iginigiit namin ang may kinalamang pagsasanay batay sa aming plano at sa gayo'y may natamong kakayahan ang estudyante sa aspetong ito."

Ipinahayag ni Liao Yizhong, Direktor ng kawanihan ng edukasyon ng Xiangtan, na nagpaalaala ang lindol sa Weichuan sa kanila na dapat palakasin ang edukasyon sa larangan ng pagtulong sa sarili sa lindol, kahit ang Hunan ay hindi nasa seismic belt. Sinabi niya na Kung papaanong aaksyon nang maganap ang lindol? Dapat ipaalam sa mga estudyante ang kaalaman hinggil sa pagharap sa kalamidad.

Bukod ng pangkagipitang pagsasanay, isinasagawa tuwing taon ng Xiangtan ang 8 aktibidad hinggil sa pagpapalaganap ng kaalaman ukol sa seguridad. Halimbawa sa may kinalamang aktibidad na isinagawa ng Jinting Primary School, sinulatan ng mga mag-aaral ng mga dapat ingatan ang postcard para iabot sa kanilang mga magulang batay sa katangian ng trabaho at kapaligiran ng pamumuhay nila.