• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-14 16:14:07    
Hulyo ika-7 hanggang ika-13

CRI
Ayon sa ulat noong Biyernes ng pahayagang "Lianhe Zaobao" ng Singapore, ipinahayag ni Lee Kuan Yew, Senior Minister ng Singapore na nitong 30 taon sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas, natamo ng Tsina ang positibong progreso sa pulitika, kabuhayan at lipunan at walang tigil na lumalakas ang impluwensiya nito sa daigdig. Sinabi ni Lee na dahil sa konstruksyon ng isang pangkat ng imprastruktura na gaya ng Qinghai-Tibet Railway, naganap ang napakalaking pagbabago sa Tsina at ito ay isa sa mga kapansin-pansing tagumpay na natamo ng Tsina sa pagsasagawa ng reporma at pagbubukas sa labas. Anya, paglipas pa ng ilang dekada, ang Tsina ay magiging isang modernisadong bansa.

Tinukoy noong isang linggo ni Hor Nam Hong, Pangalawang Punong Minsitro at Ministrong Panlabas ng Kambodia, na bunga ng magkakasamang pagsisikap ng lahat ng mga mamamayang Tsino, napakaganda ng mga gawain ng paghahanda para sa 2008 Beijing Olympic Games at ito ay nag-iwan ng malalim na impresiyon sa kaniya. Sinabi rin niyang lalahok si Haring Norodom Sihamoni ng Kambodia sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games.

Sinimulang lahukan noong Huwebes ng 34 na kabataang kadre mula sa Brunei, Indonesya, Malaysia at Singapore ang 60-araw na international training class ng mga kabataang kadre sa Nanning ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina. Ang programang ito ay magkakasamang itinataguyod ng Tsina at mga bansang Asean na naglalayong palakasin ang pagkakaibiga't pagtutulungan ng mga bata ng Tsina at Asean at pasulungin ang relasyon ng pagtitiwalaan ng kapuwa panig. Sa kasalukuyan, mahigit 490 batang kadre mula sa mga bansang Asean ang lumahok sa programang ito.

       

Sinimulan noong Biyernes sa Lalawigang Chiang Mai ng Thailand ang magkasanib na pagsasanay laban sa terorismo ng mga special operations forces ng tropang panlupa ng Tsina at Thailand. Magkasamang dumalo sa seremonya ng pagsisimula ang delegasyong Tsino na pinamumunuan ni Zheng Qin, pangalawang komander ng Guangzhou Military Area Command at delegasyong Thai na pinamumunuan ni Supharat Phatthanawisut, pangalawang komander ng kuwartel ng special operations forces ng tropang panlupa ng Thailand. Sa kanyang talumpati sa seremonya, ipinahayag ni Zheng na ang tema ng kasalukuyang pagsasanay ay paglaban sa terorismo at ito ay angkop sa pangangailangan ng kalagayang panseguridad sa loob at labas ng Tsina. Nakahanda anya ang panig Tsino na makipagpalitan sa mga hukbo ng iba't ibang bansa para mapalakas ang kakayahan laban sa terorismo, mapangalagaan ang katiwasayan at katatagan ng rehiyon at makapagbigay ng ambag para sa kapayapaan ng daigdig. Ang 20 araw na pagsasanay na ito ay nilalahukan ng tig-24 na opisyal't sundalo ng special operations foces ng Tsina at Thailand.

Magkasanib na binigyang-dagok ng pulisya ng Lunsod ng Pingxiang ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina at Biyetnam ang mga krimen na gaya ng pagpupuslit, pagbebenta ng droga at sandata, ilegal na pagtawid, human trafficking at iba pa. Nitong 3 taong nakalipas, iniligtas ng dalawang panig ang mahigit 260 dinukot na babaeng Biyetnames at dinakip ang 27 may-kagagawan ng malalaking krimeng transnasyonal. Napag-alamang ang pulisya ng dalawang panig ay hindi lamang nagbukas ng telephone hotline, kundi rin nagsasagawa ng regular na pag-uugnayan at pagtatalakay. Itinatag din sa naturang lunsod ng may kinalamang organo ng UN at Minstri ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina ang tanggapang liasyon para sa pagtutulungan sa pagbibigay-dagok sa transnasyonal na pagbebenta ng mga bata at babae.