• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-14 16:17:42    
Bird's Nest

CRI

Noong ika-28 ng nakaraang buwan, natapos ang proyekto ng Bird's Nest---National Stadium. Ang Bird's Nest ay pangunahing pasilidad ng 2008 Beijing Olympic Games at idaraos dito ang seremonya ng pagbubukas at pagpipinid ng Beijing Olympic at Paralympic Games, paligsahan ng Track and Field at football final. Sa programang "Beijing 2008" ng gabing ito, isasalaysay ko sa inyo ang hinggil dito.

Maygayong pangalan ang Bird's Nest dahil sa hugis nito---tulad ng pugad ng mga ibon. Ang Bird's Nest ay nasa loob ng Beijing Olympic Park at sumasaklaw ng 258 libong metro kuwadrado at may 91 libong seat. Sa 37 pasilidad ng Beijing Olympic Games, ang Bird's Nest ay pinakahuling natapos na proyekto dahil napakahirap na itinayo.

Noong Marso ng 2007, nagsimulang mangulap ang Tsina ng plano ng disenyo ng National Stadium mula sa buong daigdig. Pagkatapos ng masusing pagpili at ballot, ang Bird's Nest ay nagwagi sa lahat ng plano.

Ang Bird's Nest ay isa sa mga pinakamalaking estruktura ng asero sa daigdig at ginamit nito ang isang uri ng sarilinang imbentong asero. Sinabi ni Tan Xiaochuan, puno ng proyekto ng Bird's Nest, na:

"Ang haba ng hugpong ng estruktura ng asero ng Bird's Nest ay 320 kilometro. Ginamit ng mga manghihinang ang 1.3 taon para tapusin ang lahat ng paghinang."

Ang Bird's Nest ay may isang palapag sa ilalim ng lupa at may 7 palapag sa ibabaw ng lupa, 280 metro ang haba mula Silangan hanggang Kanluran at 333 metro ang haba mula Timog hanggang Hilaga. Ito rin ang pinakamalaking pasilidad na pampalakasan sa Tsina at puwedeng gamitin nang 100 taon.

Sa takbo ng pagtatayo ng Bird's Nest, ang pag-harap sa mga di-inasahang pangyayari ang nasa maingat na konsiderasyon. Sinabi ni Li Aiqing, CEO ng Kompanya ng National Stadium na:

"May tatlong palapag na view stand ang Bird's Nest at nagkakaiba ang paraan para ilikas ang mga manonood. Kapag naganap ang di-inaasahang insidente, maililikas ang mga manonood sa loob ng 8 minuto."

Bukod dito, lubos na pinahahalagahan ng Tsina sa pagtatatag ng Bird's Nest ang diwang "Green Olympics". Ginamit nito ang enerhiya ng araw sa enerhiya sa paglilinis. Sa bubong nito, may isang sistema ng pagtitipon ng tubig ng ulan para irigasyon at paglilinis ng toilet.

Noong April at Mayo ng taong ito, idinaos sa Bird's Nest ang 3 paligsahan. Lubos na pinapurihan ito ng mga manlalaro, opisyal at manonood. Sinabi ni Ginoong Li na:

"Pagkatapos ng walang humpay na pagsisikap, sa wakas, napanaigan ang mga kahirapan. Ipinakikita ng 3 test na kompleto ang punksyon at mabuti ang kalidad ng Bird's Nest."

Nagsimulang itayo noong Disyembre ng 2003, mula noon, palagiang naakit nito ang pasin ng buong daigdig. Noong 2007, itinakda ng "the Times" ng Britanya ang Bird's Nest bilang isa sa 10 pinakamahalaga at pinakamalaking proyektong itinatatag sa daigdig. Sa kasalukuyang taon, ipinalabas ng "Time" ng E.U. ang 100 pinakaimpluwensyadong desenyo at ang Bird's Nest ay nanguna sa pinakaimpluwensyadong desenyo sa larangan ng arkitektura.

Sa alas-20 ng ika-8 ng susunod na buwan, magbubukas ang Beijing Olympic Games sa Bird's Nest. Mag-aantabay tayo sa maringal na araw na ito sa Bird's Nest.