• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-15 09:52:00    
Brian O'Neal, Happy, Manny Feria at Romulo Demesa: Magaling ang pagkakagawa ng inyong on-line program

CRI

Sa tingin ko, dahil sa pagsisimula ninyo ng on-line program, lumawak ang saklaw ng inyong pagsasahimpapawid. Dati madalas nating naririnig ang Hong Kong, Saudi Arabia at ilang bansa ng Europa. Pero ngayon, lampas pa sa pinakamalayong naaabot ng short-wave. Kaya ang dating Seksiyong Filipino family ay naging Sino-Filipino family na.

Very timely ang inyong on-line program dahil last month ay celebration ng Philippine Independence Day at Filipino-Chinese Friendship Day at ang topic ng inyong on-line program ay pagdadamayan ng mga Pilipino at Chinese. Maganda ang pagtalakay ninyo sa naturang paksa, kaya siguradong maraming nasiyahan sa inyong pagsasahimpapawid.

Brian O'Neal
Olongapo City

 

Ayos naman ang pagkakagawa ng inyong live program on-line. Maganda ang concept at format at pati overall impact. Dapat masundan kaagad ito dahil meron naman pala kayong sinasabi pagdating sa live programs. Matatas din ang mga host ng program. Tuluy-tuloy silang nagsalita sa loob ng isang oras at parang hindi nag-aapuhap ng sasabihin. Nai-cover nilang mabuti ang topic at tiyak na maraming narinig ang mga tagapakinig hinggil sa Sichuan na hindi nila naririnig noon.

Super DJ Happy

 

Maraming tanong ang naglalaro sa aking isip hinggil sa Sichuan--ikinabubuhay ng mga tao, contribution sa general economy ng bansa, level of development, etc.--pero hindi ko naipadala sa inyong website.Anyway, nasagot naman ninyo halos lahat indirectly sa inyong diyalogo. Magaling ang pagkakagawa ng inyong on-line program at ideal ang haba, 1 hour. I am looking forward to hearing more of this. Regards sa lahat ng hosts ng program.

manny_feria@yahoo.com

 

Mabuti hindi kayo nagkamali na bumati ng magandang gabi. Laging magandang gabi ang sinasabi ninyo tapos biglang naging magandang umaga. Hindi bale. Hindi siguro matatapos ang pagpuri ko sa inyo dahil sa inyong matagumpay na on-line broadcast. Kung isasaalang-alang na ito ay inyong kauna-unahan, masasabing mabigat na rin kayo. Ipagpatuloy sana ninyo ang inyong magandang nasimulan.

romulo_demesa@yahoo.com