Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Wala pang nananalo ng aming papremyong Best transistor radio. Hinihintay namin ang inyong sagot. Naritong muli ang tanong: Anu-ano ang mga pangalan ng limang 2008 Beijing Olympic mascots? Iteks ang inyong mga sagot sa 921 257 2397.
Natawag ang atensiyon ko ng e-mail ni K. C. Orioste ng Lumban, Laguna. Sabi ng isang bahagi ng kanyang sulat: "...Huwag naman sanang makaranas ng pang-i-snob ng balana ang Paralympic Games na gaganapin sa Beijing pagkaraan ng Olympics. Pakitaan naman natin ng malasakit ang mga manlalarong may physical disability..."
Thank you, K. C. Tama ka diyan.
Sun Nan, Wang Peng, Guo Rong at Zhang Liangying sa passionate at dreamful na awiting "Light the Passion, Share the Dream" (Pukawin ang Damdamin, Ibahagi ang Pangarap).
Malinaw ang mensahe ng kanta: Painitin ang nanlalamig nating damdamin sa kapuwa at ibahagi natin sa kanila ang ating magagandang pangarap. Siyempre, kung ibabahagi nga naman natin sa iba ang ating pangarap, pag nagkatotoo ang pangarap na iyon, pati sila magtatamasa rin, hindi lang tayo.
Speaking of pangarap, sabi ng 0041 792 844 823: "Pangarap kong makarating sa Beijing sa pagbubukas ng Olympics. Gusto kong mapanood ang opening ceremony with all its glamour."
Iyan naman ang magkakasamang tinig nina Han Hong, Hu Haiquan at Chen Yufang sa awiting "Pampasigla sa Buhay" (A Cheer for Life).
Sino ang may sabing iyong mga may-sakit, nalulungkot at pinanghihinaan ng loob lang ang kinakailangang i-cheer? Maski iyong mga manlalaro natin sa Olympics kailangan din nating i-cheer. Gawin natin ito. Hindi naman natin ito bibilhin, eh, di ba?
Meron ditong mensaheng pampasigla: "Sabi ni Manny ng Bel-Air, Makati City: "Hurrah to 2008 Beijing Olympics! This is a dream come true for all mankind!"
Thanks, Manny.
Iyan naman ang welcoming song na "Tuloy sa Beijing" ng various artists. Welcome ang lahat sa Beijing Olympics. Ito ay paligsahang pangkaibigan, laro na walang-awayan.
Kaugnay nito, may mensahe ang 919 420 0570: "Salubungin natin ang Beijing Olympics nang buong saya! Sabi nga, this is the pride of all Asia!"
Thanks sa SMS.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating Gabi ng Olympic Songs sa araw na ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|