• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-21 15:29:35    
Serbisyo ng media ng Beijing Olympic Games, ipinauna ang detalya

CRI

Opisyal na naisaoperasyon na ang 2008 Main Press Center, MPC, International Broadcasting Center, IPC at 2008 Beijing International Media Center, BIMC at sinimulang ipagkaloob ang serbisyo sa mahigit 20 libong rehistradong mamamahayag ng Beijing Olympic Games at yaong di pa rehistradong mamamahayag na hanggang ngayo'y hindi natitiyak ang kanilang bilang. At anong serbisyo na ipagkakaloob ng nasabing tatlong sentro sa mga mamamahayag, sa programa ngayong gabi, sasagutin namin ang tanong ito.

Ipinahayag ni Yiannis Exarchos, mataas na ehekutibo ng pangunahing broadcasters ng Bejing Olympic Games-Beijing Olympic Broadcasting na ayon sa pagtaya ng kanyang kompanya, manonood ang 4 bilyong tao sa daigdig ng Beijing Olympic Games sa pamamagitan ng telebisyon.

"Sa loob ng apat na taon sa pagitan ng Athens Olympic Games at Beijing Olympic Games, mas maraming tao ang umaasang malalaman ang Olympic Games sa pamamagitan ng TV at iba pang media. Halimbawa, sa Indya at Tsina. Kaya, mas maraming media ang nagiging interesado sa Olympic Games."

Napag-alamang, naitakda ang malaking plano ng pagkokober ng National Broadcasting Company ng E.U.-isa sa mga pinakamalaking Rights Holding Broadcasters, RHBs, maglulunsad ito ng 3.6 libong oras na living broadcast sa panahon ng Olympiyada.

Sa harap ng ganitong malaking pangangailangan, magtitipon-tipon ang mahigit 20 libong rehistradong mamamahayag sa Beijing at magsasagawa ng isang walang katulad na digmaan ng mga media sa kasaysayan. Ang MPC na naglilingkod sa mga rehistradong written reporter, at ang IPC na para sa mga RHBs ay naging pangunahing lugar na bibisitahin ng mga media. Sinabi sa mamamahayag ni Sha Wanquan, direktor ng operating group ng MPC at IPC na:

"May 144 organisasyon ng media ang umarikila ng 110 silid na naging rekord sa kasaysayan ng Olympiyada ang dalawang numerong ito"

Siyembre, hindi inilakip nito ang mga di-rehistradong media. Tinataya, sa kabuuan, mga 5600 written at photographic reporter ang magtatrabaho sa MPC. Ang MPC ay umabot sa mahigit 60 libong metro kuwadrado na pinakamalaki ang saklaw nito sa kasaysayan ng Olympiyada.

Kumpara sa MPC, mas malaki ang bilang ng mga electronic media sa IPC. Isinalaysay ni Yang Binyuan, pangkalahatang kalihim ng IPC na:

"sa panahon ng pagligsahan, ang IPC ay magiging pinakamalaking TV station sa daigdig, tinatayang may 90 studio at 16 libong tauhan mula sa iba't ibang bansa at rehiyon ang lalahok sa mga gawain ng pagkokober."

Para ipagkaloob ang propesyonal at mahusay na serbisyo sa gayong karaming media, susundin ng mga tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games ang isang simpleng prinsipyo, alalong bagay'y gawing priyoridad ang mga detalye.

Sa panahon ng Olympiyada, may apat na tagapagsalita na mamahala nang magkakahiwalay sa iba't ibang larangan. Kung walang news briefing, sasalubungin nila ang mga mamamahayag sa bulwagan ng MPC para sagutin ang kanilang tanong upang mapadali ang biyahe ng mga mamamahayag. Bago sumakay ng shuttle bus, dapat makapasa lamang sila sa isang beses na pagsusuring panseguridad at pagkaraan nito, hindi na susuriin na sila muli buong araw nang magpasok-labas sa mga lugar na pinagtarausan ng paligsahan. Ipagkakaloob pa ng tagapag-organisa ang walang bayad na wireless internet para sa mga rehistradong mamamahayag, sasaklaw ito ng lahat ng lugar ng Olympiyada. Sa MPC, may 8 wikang simultaneous interpretation nang idaos ang preskon. Bukod dito, itinatag ang walang-bayad na massage at bodybuilding center sa MPC para magpahinga ng mabuti ang mga mamamahayag.