• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-21 15:37:37    
Hulyo ika-14 hanggang ika-20

CRI

Nagpadala noong Sabado ng mensaheng pambati sa isa't isa ang mga lider ng Tsina't Kambodya bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng 2 bansa. Sa kanyang mensahe, sinabi ni pangulong Hu Jintao ng Tsina na ang pagkakatatag ng komprehensibong partnership na pangkooperasyon ng Tsina't Kambodya ay nagpalakas ng kasiglahan ng relasyon ng 2 bansa at nagpakita ng malawakang prospek ng pag-unlad. Nakahanda anya ang pamahalaan at mga mamamayang Tsino, kasama ng pamahalaan at mga mamamayang Kambodyano na palakasin ang pagpapalagayan, palawakin ang kooperasyon, pasulungin ang komong kaunlaran at pataasin ang kanilang relasyon at kooperasyon sa bagong antas. Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Haring Norodom Sihamoni ng Kambodya ang pananalig na ang komong kaunlaran nila ng Tsina ay magpapalawak ng larangan ng kanilang bilateral na kooperasyon at magpapasulong sa pagpapalagayan ng mga mamamayan ng 2 bansa. Nagpadala rin ng mga mensaheng pambati sa isa't isa ang mga lider ng Tsina na gaya nina tagapangulo Wu Bangguo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan, premyer Wen Jiabao at tagapangulo Jia Qinglin ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, at mga lider ng Kambodya na gaya nina pangulong Heng Samrim ng Pambansang Asembleya, punong ministro Hun Sen at pangulong Chea Sim ng mataas na kapulungan.

Idinaos noong Miyerkules ng Association of Khmer Chinese in Cambodia, pinakamalaking organisasyon ng overseas Chinese sa Cambodia, ang resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Cambodia. Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Zhang Jinfeng, embahador ng Tsina sa Cambodia, na nitong 50 taong nakalipas, sa kabila ng pagbabago ng kalagayang pandaigdig at kalagayang panloob ng dalawang bansa, napawi nila ang kahirapan at walang humpay na umuunlad ang kanilang relasyong pangkaibigan. Sinabi rin ni Meng Lianmei, Pangkalahatang Kalihim ng Asosyasyong ito, na nitong 50 taong nakalipas, palagiang pangangangalagaan at pinasusulong ng malawak na masa ng mga overseas at ethnic Chinese sa Cambodia ang relasyong pangkaibigan ng Tsina at Cambodia.

Sinimulang idaos ngayong umaga sa Singapore ang ika-41 pulong na ministeryal ng ASEAN. Tatasahin sa pulong ng mga ministrong panlabas ng sampung bansang ASEAN ang gawaing panaklolo sa Myanmar at proseso ng pag-aaproba ng iba't ibang bansa sa Karta ng ASEAN at tatalakayin din ang tungkulin at karapatan ng organo ng karapatang pantao ng ASEAN at kalagayang panrehiyon. Sa susunod na ilang araw, idaraos din ang pulong na ministeryal ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea, magkakahiwalay na pulong na ministeryal ng ASEAN at mga dialogue partner nito, di-pormal na pulong na ministeryal ng Summit ng Silangang Asya at ika-15 ASEAN Regional Forum. Ang naturang serye ng pulong ay matatapos sa ika-24 ng buwang ito.

Ayon sa estadistika noong isang linggo ng adwana ng Tsina, mula noong Enero hanggang Mayo ng kasalukuyang taon, umabot sa 1.91 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng kalakalang panlabas sa pagitan ng Guangxi ng Tsina at ASEAN na lumaki nang 110% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon, at ang bahagdan ng paglaki nito ay nasa unang puwesto sa buong bansa. Ang ASEAN ay pinakamalaking trade partner ng rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina. Noong isang taon, umabot sa 2.91 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kanilang bilateral na kalakalan.

Ayon sa ulat noong Huwebes ng media ng Biyetnam, para mapasulong ang pagluluwas ng Biyetnam sa Tsina, Unyong Europeo at iba pang bansa sa Timog Silangang Asya, pinagtibay ng pamahalaan ng Biyetnam ang plano ng pag-unlad hinggil sa pagtatatag ng koridor na ekonomiko mula Nanning ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina sa Guang Ninh, Hanoi, Hai-phong, Long Son ng Biyetnam.

Itinatatag ng Nanning, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ang mga paaralang may katangiang ASEAN. Sa kasalukuyan, sinimulan na ang gawaing pang-eksperimental sa 10 paaralan sa lunsod na ito. Magtuturo ang naturang mga paaralan ng kaalaman hinggil sa sampung bansang ASEAN at magtatatag sila ng relasyong pangkaibigan sa mga paaralan ng ASEAN. Isasagawa naman ng mga departamento ng edukasyon ng Nanning ang mga aktibidad ng pagpapalitang pang-edukasyon at pangkultura sa mga bansang ASEAN.