Napag-alaman ng mga mamamahayag mula sa isang news briefing na idinaos ngayong araw sa Beijing International Information Center na nitong nakaraang 7 taon pagkaraang magtagumpay ang Beijing sa pagbibid sa 2008 Olympic Games, nagsasagawa ang Tsina ng ideya ng "human Olympic", nagtataguyod ito ng pambansang kampanya ng body building at unti-unting nagpapabuti ng mga kasangkapang pampalakasan para lumikha ng mainam na atmospera para sa pagpapatagumpay ng Beijing Olympic Games.
Sa isang kumunidad ng Wuhan, punong lunsod ng lalawigang Hubei sa Tsina, idinaos ang isang espesyal na laro ng volleyball, nilahukan ng mga residente galing sa kumunidad na kinabibilangan ng mga matatanda at bata at masayang masaya silang lahat.
Sa katunayan, ang naturang laro ay nagsilbi isang larawan lang sa pambansang pagpapalakas ng katawan sa Tsina. Sa kasalukuyan, nakikita ang katulad na body building sa iba't ibang lugar ng buong bansa.
Noong 1995, sinumulan ng pamahalaang Tsino ang national body building programme. Hanggang sa kasalukuyan, kumakalat ito sa buong bansa at lumalakas ang kamalayan ng mga mamamayan sa palakasan. Kaugnay dito, sinabi ni Ginoong Fengjianzhong, pangalawang presidente ng kawanihang pang-estado ng Tsina sa palakasan na mabilisang umuunlad ang sports activities sa mga lunsod, lalo na sa mga kumunidad nito, at aktibong lumalahok ang mga residente ng kumunidad sa iba't ibang uri ng ehersisyo na isinagawa tuwing umaga at gabi at sa mga lugar na pampalakasan. Samantala, isinasagawa naman sa kanayunan ang traditional sports activities na lubos na kinagigiliwan ng mga mamamayan at ito ay hindi lamang nagpapasulong ng palakasan sa kanayunan, kundi nagpapayaman ng pamumuhay na kultural ng mga magsasaka.
Sinabi ni Ginoong Fengjianzhong na nitong 3 taong nakaraan, 2.6 bilyong Yuan RMB ang inilaan ng pamahalaan ng Tsina para pabutihin ang mga pasilidad na pampalakasan sa kanayunan. Nagpahayag din siyang ang Beijing Olympic Games ay magpapasulong pa ng national body building programme ng Tsina.
|