Tiyak na pamilyar na pamilyar kayo sa islogang "Bagong Beijing, bagong Olympic Games" na iniharap ng Beijing sa pagbibid ng Olympic Games sa 2008. Si Li Xiguang, propesor ng kolehiyo ng pagbabalita ng Qinghua University ang unang nagmungkahi ng islogang ito. Noong 1999, pagkaraang ipatalastas muli ng Beijing ang pagbibid ng Olympic Games, ang isyung kung papaanong pupulot ng aral mula sa nakaraang pagkabigo at haharap sa daigdig ay naging isa sa mga pinakamahalagang gawain ng lupon ng pagbibid ng Beijing sa Olympic Games. 3 buwan lamang ang natitira sa pagharap ng report ng Beijing Pandaigdigang Lupong ng Olympiyada sa 2008. Tinangtap ni Li Xiguang ang tungkulin at iniharap ang slogang "bagong Beijing, bagong Olympic Games"s a loob ng isang linggo. Sianbi ni Li na ang original na intensyon niya ay hayaan ang Beijing na maging isang bagong kilalang tatak sa daigdig at bigyan ng isang dahilan ang daigdig na pumili ng Beijing. Sinabi niyang:
"Iniharap kong dapat pumulot ng aral ng pagkabigo sa pagbibid ng Olympic Games noong 2000, alalaong baga'y, malaki ang bayar ng mga bansang kanluranin sa mga bansang sosyalista, sa kalagayang ito, iniharap ko ang islogang 'bagong Beijing, bagong Olympic Games', umaasa akong makikita ng daigdig ang malaking pagbabago ng Tsina, bagong anyor, bagong diwa, lalu-lalo na ang progresong panlipunan ng Tsina."
Sa kasalukuyan, kasunod ng papalapit na Beijing Olympic Games, ang "bagong Beijing, bagong Olympic Games" ay naging alaala. Sinabi ni Li na bilang islogan para sa pagbibid ng Olympic Games, natapos na ang misyon nito, nguni't ipagpapatuloy ang ideya ng "bagong Beijing, bagong Olympic Games", sinabi niya na:
"Ang slogan ng pagbibid ay nahalinhan na ng islogan ng pagdaraos ng Olympic Games: 'One World, one dream'. Sa ganitang masingal na malaking pagtitipong pampalakasan, maaaring mapahigpit ang pagkakaibigan at pagkakaisa ng mga mamamayan at mga atleta mula sa iba't ibang bansa sa daigdig. Umaasang aalisin ang bayar ng mga kanluraning media sa Tsina, hahanapin ang napagkakaisahan habang isinasaisantabi ang pagkakaiba, makikita ang pagmamahal sa kapayapaan, paghahangad ng kaligayahan at masayang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino."
|