Mga sangkap
250 gramo ng towel gourd 4 itlog 4 gramo ng asin 2 gramo ng sesame oil
Paraan ng pagluluto
Alisan ng balat at buto ang towel gourd at hiwa-hiwain. Batihin ang mga itlog sa isang mangkok. Maglagay ng 750 gramo ng tubig sa kaserola at pakuluin. Pagkaraang kumulo, ilagay ang mga hiniwa-hiwang towel gourd at pakuluin uli. Ibuhos ang binating itlog at alisin ang bula. Tapos, lagyan ng asin at wisikan ng sesame oil. Isalin sa isang mangkok at isilbi.
Katangian: malinaw ang sopas at may magandang kombinasyon ng mga kulay: berdeng towel gourd at madilaw-dilaw na itlog.
Lasa: kaiga-igaya at masarap.
|