• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-24 15:03:46    
Daigin, Awit ng Olimpiyada, Yu Yang at Shi Peng

CRI
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Olympic Songs.

Anu-ano ang mga pangalan ng 2008 Beijing Olympic mascots?

Beibei, Jingjing, Huanhuan, Yingying at Nini.

Meron na tayong winner. Congratulations sa 917 960 6218. Pakiteks ang kumpleto mong address para madala namin ang premyo mong Best transistor radio.

Salamat din sa lahat ng mga iba pang nagteks. Alam niyo, kung tutuusin, lahat kayo ay panalo. It's just a matter of seconds. Anyway, lahat kayo ay tatanggap ng munting ala-ala.

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Olympic Songs ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

Narinig ninyo ang malamig na tinig ni Jay Chou na nagbubukas sa ating munting palatuntunan sa awiting "Sa Kabila ng Bundok at Dagat."

Ano nga ba ang meron sa kabila?

Sabi ni Pareng Buddy Boy Basilio ng M/V Aldavaran Singapore: Pareng Ramon, umaabot hanggang sa kabilang dako ng kabundukan at dagat ang inyong mga mensahe sa amin. Feel namin ang excitement ninyo sa pagbubukas ng Olympics. Mula sa ibayong dagat, ipinaaabot namin ang aming wish para sa successful Olympics at success ng Filipino delegation.

Thank you, pare. Iyong susunod na mensahe namin e isusulat namin sa kalangitan.

Iyan naman ang "Kalangitan" ni Tan Jing.

Sa kalangitan daw nasusulat ang mensaheng pagmamahalan, kapayapaan, at pagkakaibigan ng Olympics kaya mas maliwanag ang kalangitan, mas maliwanag ring mababasa ng mundo ang naturang mensahe.

May kaugnayan dito ang mensahe ng 917 351 9951: "Kuya Ramon, sana maging maaliwalas ang kalangitan mula sa pagsisimula hanggang sa pagtatapos ng Olympics para ma-enjoy natin nang lubos ang lahat ng events."

Thanks sa SMS. Wish nating lahat iyan.

At narinig naman ninyo ang awiting "Daigin" na inihatid sa ating masayang pakikinig nina Yu Yang at Shi Peng.

Bawat manlalaro ay naghahangad na madaig ang kanyang kalaban. Tama iyon. Kaya nga tinawag na tagisan ng lakas, e. Pero pagkatapos ng laban, hindi dapat mawala ang kanilang pagkakaibigan. Be a good sport.

Sabi ni Dr. George Medina ng Nakar, San Andres: "Sana madaig ng ating mga pambato sa archery at shooting ang kanilang mga kalaban para makapag-uwi naman tayo ng ginto--kahit dalawa lang."

Salamat, Dr. George Medina. Dalawa lang, ha?

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating Gabi ng Olympic Songs sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.