• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-24 15:05:01    
Recycling Economy sa Qinghai

CRI
Bilang isang baong modelo ng pangkabuhayang pag-unlad, ang recycling economy ay angkop sa modelo ng "yaman—produkto—basura—muling nilikhang yaman" at naisasakatuparan ang muling paggamit ng basura. Sa bayan ng Huzhu, naglaan ang lokal na pamahalaan ng malaking pondo para itatag ang greenhouse ng recycling economy para sa mga magsasaka at unti-unting nanghihikayat ng mga magsasaka na baguhin ang primitibong paraan ng pagsasaka at itanim ang mga pananim na mataas ang added value sa greenhouse. Ang naturang mga hakbangin ay nagbigay ng di-inaasahang malaking kita sa magsasaka sa bayan ng Huzhu.

Bukod dito, itinatatag din ang greenhouse ng recycling economy sa malamig at liblib na nayon ng Nanmenxia sa autonomong bayan ng Huzhu. Laging huli sa panahon ng pagbebenta ang mga produktong agrikultural doon, kaya, ang lokal na pamahalaan ay nanghikayat ng mga magsasaka na itanim ang button mushroom sa greenhouse. Ang button mushroom ay bagay sa pagtubo sa malamig na lugar at ang pagbebenta na ito ay hindi naaapektahan ng panahon at isa pa, mataas ang presyo nito. Sinabi ni Lei Youwu, isang magsasaka na nagtatanim ng button mushroom na:

"Madalas ang natural na kalamidad dito at malaki ang panganib ang pagsasaka sa buksin, nguni't, ang pagtatanim sa greenhouse ay hindi naaapektuhan ng natural na kaligtasan."

Sinabi ni Lei na ang pagtatanim niya ng button mushroom ay hindi lamang para sa pamumuhay, kundi sa pamumuhunan. Sinabi niyang:

"Maliit ang laang-gugulin at mataas ang kita sa pagtatanim ng button mushroom, kaya, aktibo ang mga magsasaka. "

Ang praktika sa lalawigang Qinghai ay nagpapakitang sa pamamagitan ng greenhouse ng recycling economy, mabisang nagagamit ang yaman at mataas ang ani sa lupain.