Idinaos noong Martes sa Singapore ang isang araw na pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea o "10+3" at di-pormal na pagsasanggunian ng mga ministrong panlabas ng Summit ng Silangang Asya. Pinakinggan ng mga kalahok ang pagsasalaysay ng kalagayan ng hidwaang panghanggahan ng Cambodia at Thailand at nanawagan sila sa dalawang panig na isagawa ang pinakamamalaking pagtitimpi at lutasin ang hidwaang ito sa mapayapang paraan. Tinalakay din sa pulong ang malubhang hamong dulot ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng pagkaing-butil at langis at pagbabago ng klima. Nanawagan ang mga kalahok na palakasin ang pagbabahagi ng impormasyon sa rehiyon at nagpahayag ng pagtanggap sa natamong progreso ng mga kalahok na bansa sa Summit ng Silangang Asya sa aspekto ng enerhiya. Inulit ng mga kalahok ang pagkatig sa Six Party Talks at pagtanggap sa pag-aanyaya ng pamahalaan ng Myanmar sa espesyal na sugo ng UN para sa muling pagdalaw. Ipinahayag din nila ang pakikiramay sa malaking kasuwalti sa lindol sa Sichuan ng Tsina at bagyo sa Myanmar at pag-asang magtatagumpay ang Beijing Olympic Games. Itinatag pa sa pulong ang pondo ng kooperasyon ng "10+3" na may 3 milyong Dolyares sa unang yugto.
Sa pulong na ito, ipinahayag ni Yang Jiechi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang pagpapatatag at pagpapalakas ng kooperasyon ng "10+3" ay angkop sa komong interes ng iba't ibang bansa. Ipinahayag ni Yang na ang kooperasyon ng "10+3" ay ibayo pang nagpahigpit ng pag-uugnayan ng mga bansa sa Silangang Asya, nagpalakas ng ideya sa kooperasyong panrehiyon, win-win at mutuwal na kapakinabangan, nagdulot ng aktuwal na kapakinabangan sa mga mamamayan ng iba't ibang bansa at nagpasulong ng kapayapaan, kaunlaran, kooperasyon at kasaganaan ng rehiyong ito. Sinabi niyang lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang kooperasyon ng "10+3" at patuloy na palalakasin ang kooperasyong panrehiyon. Iniharap din ni Yang ang 5 mungkahi hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon ng "10+3" at nakahanda anya ang Tsina na magkaloob ng kinakailangang pagkatig at pagtulong sa pagtatatag ng grupo ng "10+3" sa sekretaryat ng ASEAN.
Dumalo noong Martes sa Singapore si Yang Jiechi sa di-pormal na pagsasanggunian ng mga ministrong panlabas ng Summit ng Silangang Asya at inilahad ang paninindigan at patakaran ng pamahalaang Tsina sa seguridad ng enerhiya, pagbabago ng klima at iba pa. Sinabi ni Yang na upang maigarantiya ang seguridad ng enerhiyang pandaigdig, dapat itatag at isagawa ang bagong ideya sa seguridad ng enerhiya. Sinabi niyang pinahahalagahan ng panig Tsino ang kooperasyon sa seguridad ng enerhiya sa loob ng kooperasyon ng Silangang Asya at ipinalalagay na sa Summit ng Silangang Asya, dapat bigyang-priyoridad ang pagsasagawa ng diyalogo sa patakaran ng enerhiya. Kaugnay ng isyu ng pagbabago ng klima, binigyang-diin ni Yang na batay sa kahilingan ng United Nations Framework Convention on Climate Change at Kyoto Protocol, dapat igiit ang prinsipyo ng komon pero nagkakaibang responsibilidad at aktibong pasulungin ang pagpapatupad ng Bali Roadmap. Nakahanda anya ang panig Tsino na palakasin, kasama ng iba't ibang bansa sa Silangang Asya, ang diyalogo at kooperasyon hinggil sa isyu ng pagbabago ng klima.
Sa kanyang paglahok noong Miyerkules sa pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina at mga bansang ASEAN, binigyang-diin ni Yang Jiechi na sa kasalukuyan, bumabagal ang paglaki ng pandaigdigang kabuhayan, patuloy na tumataas ang presyo ng langis at pagkain-butil, nagiging masigla ang proteksyonismong pangkalakalan, walang humpay na nagaganap ang likas na kapahamakan, sa ilalim ng kalagayang ito, dapat palakasin ng Tsina at mga bansang ASEAN ang pagkakaisa at kooperasyon. Sinabi ni Yang na noong isang taon, natamo ang positibong progreso ng kooperasyong Sino-ASEAN, walang humpay na lumalakas ang estratehikong partnership ng dalawang panig, mainam ang tunguhin ng pagpapalitan ng iba't ibang antas at may magandang pagpapalitan at pagkokoordinahan sa kooperasyon ng Silangang Asya at mga malaking isyung panrehiyon at pandaigdig. Ipinahayag ng mga ministrong panlabas ng ASEAN na ang pag-unlad ng Tsina ay nagkakaloob ng malaking pagkakataon para sa ASEAN. Nakahanda ang mga bansang ASEAN, kasama ng panig Tsino, na pasulungin ang konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan, palakasin ang pagkokoordinahan at pagtutulungan sa mga suliraning panrehiyon, magkakasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagang panrehiyon at pasulungin ang komong pag-unlad.
Noong Huwebes sa Singapore, nakipagtagpo si Yang Jiechi kay Surin Pitsuwan, pangkalahatang kalihim ng ASEAN at nagpalitan sila ng palagay hinggil sa relasyon ng dalawang panig.
Iniharap noong Huwebes sa Singapore ni Yang Jiechi ang 5 mungkahi hinggil sa kung papaanong mapapataas ang lebel ng kooperasyon ng ASEAN regional forum. Ang naturang 5 mungkahi ay kinabibilangan ng una, isagawa ang hakbangin ng pagtatatag ng pagtitiwalan sa buong proseso ng bagong yugto ng pag-unlad ng porum; Ikalawa, batay sa aktuwal na pangangailangan ng rehiyong Asya-Pasipiko, mabisang pasulungin ang defend diplomatism ng porum; Ikatlo, igiit ang diwang panseguridad at modelong panseguridad ng paggagalangan sa isa't isa, pantay-pantay na diyalogo, pagsasanggunian at kooperasyon at mutuwal na kapakinabangan at win-win situation; Ika-4, pangunahing isagawa ang defend diplomatism sa pagpigil at pagharap sa isyung transnasyonal at seguridad na di-tradisyonal; Ika-5, pataasin ang lebel ng decision-making at episyensiya at benipisyo ng porum.
Sa regular na preskong idinaos noong Huwebes sa Beijing, ipinahayag ni Liu Jianchao, tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na itinatag ng pamahalaang Tsino ang embahador sa ASEAN at ito ay mahalagang palatandaan ng malalim na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN. Sa pulong mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN na idinaos kahapon sa Singapore, ipinahayag ng panig Tsino na para mapalalim ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan, ipinasiya ng Tsina na itatag ang embahador sa ASEAN. Sinabi ni Liu Jianchao na ang target ng pagtatatag ng embahador na ito ay ibayo pang pasulungin ang estratehiko at kooperatibong partnership ng Tsina at ASEAN.
|