Binuksan noong Sabado sa Guiyang, lunsod sa timog kanlurang Tsina ang "linggo ng pagpapalitan ng edukasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN" na dinaluhan ng mga opisyal ng UN Educational, Scientific and Cultural Organization, Sekretaryat ng ASEAN, 33 unibersidad ng 7 bansang ASEAN at 18 unibersidad ng Tsina. Ang naturang aktibidad ay magkakasamang itinaguyod ng Ministring Panlabas ng Tsina, Ministri ng Edukasyon ng Tsina at pamahalaang panlalawigan ng Guizhou ng Tsina. Ang layon ng aktibidad na ito ay pasulungin ang komprehensibong pagpapalitan at pagtutulungang pang-edukasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN sa lahat ng direksyon, mga larangan at mataas na antas, pasulungin ang kooperasyon ng mga pamantasan sa rehiyong timog kanluran ng Tsina at mga bansang ASEAN at hanapin ang pagpapalitang pangkabuhayan, pangkultura at komong pag-unlad ng Tsina at ASEAN. Sinabi ni Zhang Xinsheng, Pangalawang Ministro ng ng Edukasyon ng Tsina, na bilang kauna-unahang aktibidad ng pagpapalitan ng edukasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN, may napakahalagang katuturan ang nasabing aktibidad.
Nauna rito, sa isang preskong idinaos noong Huwebes hinggil sa naturang aktibidad, ipinahayag ni Liu Baoli, pangalawang direktor ng departamento ng pandaigdigang kooperasyon at pagpapalitan ng ministri ng edukasyon ng Tsina, na malawak ang espasyo ng kooperasyong pang-edukasyon ng Tsina at ASEAN. Sinabi ni Liu na nitong ilang taong nakalipas, naitatag ng kooperasyong pang-edukasyon ng Tsina at ASEAN ang kumpletong sistema at mekanismo at lumagda na ang dalawang panig sa kasunduan o intent form ng kooperasyong pampamahalaan.
Sa porum ng "linggo ng pagpapalitan ng edukasyon ng Tsina at ASEAN", isinalaysay noong Araw ng Linggo ni Wang Yongli, pangalawang direktor ng office of Chinese Language Council International, na sapul noong 2006, itinatag na ng kaniyang tanggapan ang 21 Confucious Institute sa anim na bansang ASEAN na kinabibilangan ng Thailand, Pilipinas, Malaysia, Myanmar, Singapore at Indonesia, at umabot sa mahigit 20 libo ang bilang ng mga mag-aaral.
Ipinahayag noong Araw ng Linggo sa Beijing ni Rosihan Arsyad, puno ng delegasyong pampalakasan ng Indonesiya sa Beijing Olympic Games at Pangkalahatang Kalihim ng Indonesian Olympic Committee, na nananalig siyang handang-handa na ang Beijing para sa Olimpiyada at hindi mabubura ang Olimpiyadang ito sa isip ng mga tao. Ipinahayag niyang mabilis ang pag-unlad ng Tsina at mahusay ang iba't ibang gawaing paghahanda ng Beijing para sa Olimpiyada.
|