• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-29 15:52:30    
Butch Pangilinan at Baby Rose Jimenes, nagbigay-pansin sa mga isinasagawang hakbangin ng Tsina para mapabuti ang kalidad ng hangin at ang pangkalahatang kapaligiran ng Beijing

CRI

Kung maipapatupad ng China ang "coding" para sa lahat ng mga sasakyan, private o public, makakatulong ito nang malaki sa pagbabawas sa pagsisikip ng trapiko at pati na rin sa pagbabawas sa maruming usok. Ginagamit iyan dito sa Pilipinas at malaking tulong din sa mga nagpapatupad sa batas trapiko. Talaga naman kasing kahit saang lunsod ay problema iyang trapiko at maruming usok.

Napapanahon ang pag-i-impose ng China ng "no smoking" sa public places at sa "no free plastic bags" sa malalaki at maliliit na tindahan at sa mga pamilihan sa bansa. Ang usok ng sigarilyo ay hindi lamang nakaka-pollute sa hangin na hinihinga ng mga residente, kundi pinagmumulan din ng iba't ibang uri ng karamdaman. Ang plastic bags naman ay may kinalaman sa environment. Nasasakal na ang mundo natin dahil sa dami ng plastic bags na nakabaon sa lupa at nagkalat sa paligid. Alalahanin natin na hindi nasisira ang mga ito.

Butch Pangilinan
Olongapo City

 

Maganda ang naisip ng Beijing na pag-aalok ng libreng sakay sa mga taong magtutungo sa mga lugar na pagdarausan ng mga palaro at pagkakaloob ng beinte kuwatro oras na serbisyo ng pampasaherong sasakyan sa buong panahon ng pagdaraos ng Olympics at Paralympics. Dadagsa ang mga bisita sa Beijing sa pagsisimula ng Olympics kaya mas maagang maaayos ang transport service mas mabuti.

Baby Rose Jimenes
Maynila