Sa panahon ng Beijing Olympic Games, ilang libong may karanasang boluntaryong pangkalusugan ay magkakaloob ng serbisyong pangkalusugan sa mga stadium ng Olimpiyada para sa mga manonood at manlalaro. Pakinggan ninyo ang mga kuwento hinggil sa mga boluntaryong galing sa Capital Medical University.
Si Ginang Wang Yanping ay isang namamahalang tauhan ng Capital Medical University. Inilahad niya na bilang isang mahalagang paaralang medikal ng Beijing, ang kaniyang unibersidad ay nagpadala ng mahigit 400 boluntaryong pangkalusugan sa Olimpiyada. Sinabi niya na (sound 1)
"May halos 4 libong estudyante sa aming unibersidad ay nagpatala sa pagiging boluntaryo. Sinuman ang gustong maging isang boluntaryo, dapat silang makapasa ng mga pagsusulit sa kahusayan at iba pang aspeto sa pagbibigay ng pangkagipitang serbisyong medikal at sa wikang Ingles ng lupon ng Olimpiyada ng Beijing. Pagkatapos ng pagiging ng boluntaryo, isinagawa rin ng aming unibersidad ang pagsasanay sa kanila sa iba't ibang may kinalamang larangan."
Ayon sa pagsasaayos ng lupon ng Olimpiyada ng Beijing, may 3 libong boluntaryong pangaklusugan ay maglilinkod sa mga stadium sa panahong ng Olimpiyada. Kung biglang may sakit ang mga manlalaro at manonood sa stadium, agarang susuriin ng mga boluntaryo ang kalagayan ng sakit at isusugod ang may kinalamang tauhan sa stasyong pangkalusugan.
Si Liu Chengbo ay isang estudyante ng Capital Medical University. Sa panahon ng Olimpiyada, maglilingkod siya sa sonang pampubliko ng parke ng Olimpiks bilang asistentang boluntaryong pangkalusugan. Ipinalalagay niyang masuwete siyang sa pagiging isang boluntaryo ng Olimpiyada. Sinabi niya na (sound 2)
"Naniniwala akong sa panahon ng Olimpiyada, ang gawaing ito ay isang kinakailanga't teknikal na gawain, kaya sa palagay ko, may obligasyon ako sa pag-alay ng aking sariling lakas para sa Olimpiyada."
|