• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-29 18:04:16    
Tsina, buong-sikap na pinangangalagaan ang mga pamanang pangkultura

CRI

Sa isang magkakasanib na preskon kahapon dito sa Beijing, inilahad ng mga opisyal mula sa Ministri ng Pabahay at Konstruksyong Urban-Rural, Ministri ng Kultura at Administrasyong Pang-estado ng Pamanang Pangkultura ng Tsina ang hinggil sa isinasagawang hakbangin ng Pamahalaang Tsino upang mapangalagaan ang mga pamanang kultural ng bansa. Anila, ang lahat ng mga 187 pambansang matulaing pook ay napapasailalim sa mainam na proteksyon.

Napag-alamang ang nasabing 187 matulaing pook ay bumubuo ng 1% ng kabuuang saklaw ng teritoryo ng Tsina. Upang makatwirang galugarin ang mga yaman sa nasabing mga pook at pasulungin ang konstruksyon ng impraestruktura at pag-unlad ng turismo ng mga lokalidad, maraming isinasagawang hakbangin ang nasabing tatlong departamentong Tsino. Sinabi ni G. Wang Fengwu, Pangalawang Direktor ng Departamento ng Urban-Rural Planning ng Ministri ng Pabahay at Konstruksyong Urban-Rural ng Tsina, na nitong ilang taong nakalipas, masasabing mabisa ang ginagawa ng kanyang ministri pagdating sa pangangalaga sa matutulaing purok, mga makasaysayang lunsod, hortikulturang panlunsod at mga pamanang pandaigdig. Sinabi pa niya na:

"Upang mapangalagaan ang mga pamanang pangkultura, buong higpit na ipinatutupad ng aming ministri ang mga batas at regulasyon na gaya ng Batas sa Urban-Rural Planning, Regulasyon sa Pangangalaga sa Matutulaing Purok at Regulasyon sa Pangangalaga sa mga Makasaysayang Nayon, Town at Lunsod. Sa pangangalaga sa mga pamana, nananangan kami sa pagpapauna ng pagbalangkas at pagpapatupad ng mga may kinalamang batas at regulasyon."

Binigyang-diin niyang salamat sa nasabing mga batas at regulasyon, mabisang naiwasto ang di-makatwirang paggagalugad at konstruksyon sa kinaroroonan ng mga pamanang pangkultura.

Ang Tsina ay may 26 na pandaigdig na pamanang pangkultura, 7 pandaigdig na pamanang pangkalikasan at 4 na pandaigdig na pamanang pangkultura at pangkalikasan. Mayaman sa pamanang kultural at natural ang Beijing. Napag-alamang nitong ilang taong nakalipas, sa proseso ng konstruksyon at pagkumpuni ng mga lugar ng paligsahan para sa Beijing 2008 Olympic Games, pinag-iibayo rin ng Pamahalaang Tsino ang laang-gugulin sa pangangalaga sa mga pamanang kultural ng kabisera. Kaugnay nito, ganito ang sinabi ni G. Zhang Bai, Pangalawang Direktor ng Administrasyong Pang-estado ng Pamanang Pangkultura ng Tsina.

"Nitong ilang taong nakalipas, kasabay ng pagtatayo at pagkumpuni ng mga istadyum, naglaan ang Beijing ng 100 milyong Yuan RMB o mahigit 14 na milyong dolyares bawat taon para kumpunihin ang mga pamanang pangkultura. Makabuluhan ito para sa pagsasakatuparan ng Olimpiyadang pangkultura."

Pagdating sa mga kinakaharap na kahirapan sa pangangalaga sa mga pamanang pangkultura, sinabi ng nasabing opisyal Tsino na sa lindol sa Sichuan nitong nagdaang Mayo, maraming relikyang pangkultura ang nasira. Bilang tugon, aniya pa, sa susunod na 3 hanggang limang taon, nagpaplanong maglaan ang Pamahalaang Tsino ng espeyal na pondo para kumpunihin ang mga pamanang pangkultura na naapektuhan ng lindol.