Pormal na binuksan noong ika-8 ng buwang ito ang sentro ng impormasyon at pandaigdig na sentro ng pagsasahimpapawid ng Beijing Olympic Games at ito ay isang palatandaang pumasok sa count down ang gawain ng pagbabalita sa Beijing Olympic Games. Bilang isang eksperto sa sirkulo ng pamamahayag ng Tsina, sinabi ni Li Xiguang, propesor ng kolehiyo ng pagbabalita ng Qinghua University na :
"Opisiyal na binuksan ang sentro ng impormasyon ng Olympic Games at ito ay isang palatandaan na nakaahon ang Tsina sa presyur na dulot ng bayar ng ilang kanluraning media sa Tsina. Pagkaraan ng lindol ng Wenchuan, ang humanitaryanismo na ipinakikita ng Tsina ay hindi nakikita sa anumang bansa sa daigdig. "
Tiyak na pamilyar na pamilyar kayo sa islogang "Bagong Beijing, bagong Olympic Games" na iniharap ng Beijing sa pagbibid ng Olympic Games sa 2008. Si Li ang unang nagmungkahi ng islogang ito.
Sa malapit na hinaharap sa Bird's Nest o Pambansang Istadyum, sisimulan ang Beijing Olympic Games. Laging puspusang sumasabak sa paghahanda ng Beijing Olympic Games si Li sapul nang simulan ang pagbibid ng Olympic Games. Nguni't mahingkot siya ngayon. Sinabi niyang:
"Labis akong mahingkot, dahil hindi nakalahok sa seremonya ng pagbubukas ng Olympiyada, kahit may imbitasyon ako. Sa panahaon ng Olympic Games, dapat akong pumunta sa Salzburg ng Austria saan idaraos ang kompetisyon ng ulat hinggil sa Beijing Olympic Games. Ipapadala doon ng mga estudyante at propesor mula sa iba't ibang bansa ang headline hinggil sa Beijing Olympic Games sa kanilang bansa para makitang kaninong ulat ang mas obdiyektibo, mas tamang-tama, mas sariwa at may mas malaman. Ito ay makakatulong naman sa pag-aalis ng mis-understanding ng ilang kanluranin sa Tsina. "
|