Mga sangkap
500 gramo ng wild rice stems 50 gramo ng mantika 3 gramo ng asin 2 gramo ng asukal 1 gramo ng vetsin 150 gramo ng tubig 5 gramo ng toyo
Paraan ng pagluluto
Alisin ang balat na panlabas ng wild rice stems at hiwa-hiwain sa mga pirasong 10 sentimetro ang haba at 1 sentimetro ang lapad.
Initin ang mantika sa temperaturang 70 hanggang 100 degree centigrade at igisa ang mga piraso ng wild rice stems. Buhusan ng toyo at tubig at lagyan ng asin at asukal. Takpan ang kawali at ilaga sa loob ng 10 minuto. Lagyan ng vetsin at dagdagan ang apoy para sumingaw ang ibang tubig. Isalin sa plato at isilbi.
Katangian: kaiga-igaya at mabango.
Lasa: maalat at kaunti matamis.
|