• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-30 17:53:34    
Dayuhang boluntaryo, aktibong naglilingkod sa Olympic Games

CRI
Bago ang pagbubukas ng Beijing Olympic Games, may maraming dayuhang boluntaryo sa lugar ng paligsahan ng Olympic Games at iba't ibang lugar ng Beijing. Sa Olympic Games na ito, kinalap ang mahigit 70 libong boluntaryo mula sa 98 bansa at rehiyon.

Si Jona Widagdo Putri mula sa Indonesya ay isang graduate student sa Beijing Language and Culture University (BLCU), mataas ang lebel niya sa Wikang Tsino, kaya, sa malayang oras, malimit na nagtatrabaho siya bilang interpreter para sa delegasyon ng Indonesya na dumadalaw sa Tsina. Sinabi ni Jona na dahil may ganitong karanasan, may pagkakataon siyang pinili bilang boluntaryo ng Olympiyada na namamahala sa gawain ng pagpapalitan sa pagitan ng Indonesian Olimpic committee at Beijing Olimpic committee. Sinabi niyang:

"Noong isang taon, nakipag-usap ang pambansang lupong pampalakasan ng Indonesya sa Beijing Olimpic Committee sa Beijing, nagkataong akong naging interpreter. Pagkaraan nito, ininominate ako ng pambansang lupong pampalakasan ng Indonesya bilang asistente ng Indonesian Olimpic committee sa panahon ng Olympic Games sa 2008."

Mula noong katapusan ng 2006 hanggang Marso ng taong ito, pormal na isinagawa ang pagpapatala ng mga boluntaryo ng Beijing Olympic Games. Mahigpit ang pagpili ng mga dayuhang boluntaryo ng Olmpiyada at mas mahigpit sa mga boluntaryong direktang nagbibigay serbisyo sa dayuhang atleta. Masuwerte si Prabowo Wahyo Adi at pinili. Isinalaysay niya ang 3 kinakailangang pasubali sa pagiging kuwalipikado sa gawaing ito, sinabi niyang:

"Una, dapat may kakayahan na makipagtulungan sa pambansang lupong pampalakasan ng Indonesya at Beijing Olimpic Committee; ika-2, maaaring makipagtulungan sa iba pang tao sa delegasyon ng Indonesya at ika-3, maaaring ipaalam ang kahiingan ng delegasyon ng Indonesya sa Beijing Olimpic Committee."

May mas maraming dayuhang boluntaryo na magtatrabaho sa mga venue ng Olympic Games at sentro ng pagbabalita: May espesiyal na mamamahala sa record ng pagreresulta ng paligsahan at impresyon ng mga atleta at may tumutulong sa mga dayuhan sa media. Si Gabriel Barocio mula sa Mexico ay isang boluntaryo sa pangunahing sentro ng pagbabalita. Sinabi ni Gabriel na :

"May maligayang karanasan ako dito, maalwan ang gawain. Nakakaramdam akong makabuluhan ang trabaho bilang isang boluntaryo ng Beijing Olympic Games. May mga pagkakataong mag-aral nang marami at maaaring magbigay-tulong sa maraming tao. nagsasalita ako ng Spanish at English, kaya, maaaring makipagpalitan ako sa karamihan ng mga dayuhang mamamahayag."

Dapat tanggapin ang may kinalamang pagsasanay ng mga boluntaryo na kinabibilangan ng kaalaman hinggil sa Olympiyada, tradisyonal na kultura ng Tsina, kaalaman sa seguridad, medisina at iba pa. Ayon sa pangangailangan ng gawain, magkakaiba ang nilalaman ng pagsasanay. Halimbawa, kung magtatrabaho bilang isang tagapag-ugnay ng lupong pambansa ng Olimpiyada, bibigyan siya ng isang service handbook na may mahigit 160 pahina, bukod dito, bibigyan pa ng isang handbook na espesiyal na para sa paglilingkod sa lupong pambansa ng Olimpiyada.

Mataas na pinapurihan ni Juan Antonio Samaranch, Dating Pangulo ng Lupong Pandaigdig ng Olimpiyada ang gawain ng boluntaryo ng Olympic Games na :

"Ang mga aktibidad ng Olympiyada ay binubuo ng mga boluntaryo na may diwa ng pagbibigay ng ambag, kung walang sila, walang posibilidad na idaraos ang isang malaking paligsahang pampalakasan tulad ng Olympic Games."